Ilang oras na pabiling-biling si Alondra sa higaan pero hindi pa rin siya makatulog. Sumasakit na ang kanyang ulo pero kahit anong pilit niya ay hindi talaga siya makatulog. Para bang paulit-ulit niyang naririnig ang mga katagang binitawan ng kanyang mama at papa. Parang pinipiga ang kanyang puso kapag na-aalala niya ang mga katagang iyon at hindi niya maiwasan ang maluha. Kahit na gusto na niyang kalimutan iyon ay para bang tukso na palaging sumasagi sa kanyang isipan. Napapaisip nga siya na baka kaya gano'n ang kanyang mga magulang ay dahil wala talagang pagmamahal ang mga ito sa kanya. Hindi kasi magagawa ng isang magulang ang ganoong bagay sa anak kung may pagmamahal ang mga ito sa kanya eh. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang, dahil sa tingin naman niya ay naging mabuting an

