Napasunod na lamang siya ng wala sa oras sa kanyang Uncle. Pero ang kanyang puso na kanina lamang ay nahihirapang isipin ang mga pananakit at masasamang sinabi nito sa kanya ngayon ay natabunan iyon lahat dahil sa simpleng ginawa nitong iyon. Akala talaga niya ay wala na itong pakialam sa kanya. Pero heto at dinala pa siya nito sa ospital para ipagamot ang kanyang daliri kahit pala ito ay nahalata din na masama na ang lagay niyon. Pagdating nila sa loob ng ospital agad naman siyang inasikaso ng Doktor. Matapos ang halos 20 minutes ay nagamot na ang kanyang daliri, nilagyan iyon ng benda at after one week daw ay babalik ulit iyon sa doktor para ma-check up kung okay na ng tuluyan. Nabalian pala talaga siya ng buto pero mabuti na lamang daw at hindi naman iyon masyadong malubha kaya w

