"Kung gano'n saan natin siya dadalhin? Malamang nahimatay siya dahil sa madami ng dugo ang nawala sa kanya?!" Puno ng pag-aalala ang tinig ni Jomar. Nasa kotse na sila at nasa likod sina Jhie at Faith. Siya ang nagda-drive. "Hindi ko alam dahil lahat ng alam kong pwedeng pagdalhan sa kanya ay siguradong matutunton tayo ng Ate Len niya," kabadong sagot ni Jhie. Nasa kandungan nito ang nguyngoy na si Faith. "Aisssttt! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko! Dapat kasi tinuluyan na natin 'yon, eh!" "Hindi rin pwede dahil siguradong magagalit sa 'tin si Faith. Kahit paano ay kapatid pa rin niya 'yon." "'Yon ang pinagtataka ko, eh! Magkapatid pala sila pero bakit nagpapatayan sila?!" Nag-iwas ng tingin si Jhie. "Mahabang kwento. At mas makakabuting huwag mo nang alamin dahil kapag dumami pa ang al