Nanlilisik ang mga mata ni Len habang isa-isa niyang tinitingnan ang mga tauhan ng kanyang Dad. Pinatawag niya ang lahat. "Ano bang kalokohan 'to, Len? Akala ba namin ay si Sir ang nagpatawag sa'min?!" iritableng tanong sa kaniya ng isa. She just smirked deviously. Tapos ay isang button ang pinindot nito sa hawak nitong remote control na maliit. Dahan-dahang gumalaw ang isang pader, awtomatiko itong nagbukas. At silakbot ang lahat nang makita nila si Don Savillano na nakagapos patayo. Kawawa ang hitsura ng walang malay na Don. May pasa ito sa mukha at halatang pinahirapan ng matindi. "W-what the hell is going on?!" nabahalang naisambit ng isang tauhan ng Don. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay. "From now on ako na ang amo niyo! Ako na ang susundin niyo!" "You're crazy wench! Pakawala