"Anong ibig sabihin niyan?" Naibulalas ni Jhie. Blangko ang mukha ni Faith na tumingin sa kaibigan. Basta ang pakiramdam niya ay parang lumaki ang kanyang ulo sa 'di inaasahang pagkakakita niya sa larawan ng kanyang Dad. Tapos ay halos sabay sila ni Jhie na napatingin sa natutulog na si Aling Felisita. Kapwa sila naguluhan. ••• "Sandali!!" pigil ni Jomar kay Rey nang sumakay na ito sa motor. Nasa parking pa lang sila ng hospital. "Bakit?!" takang lingon sa kanya ni Rey. "Huwag na kaya tayong tumuloy? Nakakaramdam kasi ako ng panganib, eh!" sinabi niya lang iyon para mapigilan ang lakad nilang iyon. "Ano ka ba naman?! Ngayon ka pa nakaramdam ng ganyan, ah? Halika na! Kailangan ko ng pera ngayon!" Pinaandar na ni Rey ang motor. "Pero kasi sabi mo ay magaling ang kikidnapin natin 'di