"Mmmmpp!!" kahit anong gawing higpit ni Faith sa paghawak sa kamay ng Nanay niya ay dumadalas pa rin ito at malapit na niya itong mabitawan. Grabe ang kanyang takot! Anong gagawin niya?! "Faith, hayaan mo na ako!" lumuluhang saad sa kanya ni Aling Felisita, parang handa na rin ito ano man ang nangyari. "Hindi, Nay! Ililigtas kita!" Tila ba na-recharge ang lakas niya nang makita niya ang mga luha na iyon ng kanyang ina. "Faith!!" sigaw sa kanya ni Jhie. Lalo siyang nabuhayan ng loob nang makita niyang may tulak-tulak na cart si Jhie na may madaming basura. Sapat na iyon sa tingin niya para kahit bitawan niya ang ina ay hindi mapupuruhan. "Aaahh!" sigaw nila ulit na napapapikit dahil sa mga sumasabog na kung ano sa loob ng ospital. Malawak na ang apoy na sanhi ng pagsabog ng bomba. Nagp