Marahas na bumukas 'yong pinto, pinto ng silid kung saan buong buhay nina Jhie at Faith ay dito na lang umikot mula pinayagan sila ni Don Savillano na magsarili. Tumutulo ang mga luha ni Faith na pumasok doon. Pigil na pigil niya ang damdamin dahil wala ng oras pa para mag-emote siya. Bumalik lang siya rito para kumuha ng konting gamit para sa lulusungin niyang laban. Ang huling laban sa pagitan nilang magkapatid! Subalit hindi niya talaga mapigilang maging emosyonal kahit na noon pa ay inasahan na niya ang mangyayaring ito. Naninikip ang didbib niyang inilibot ang tingin sa kabuoan ng silid. At sa nag-iisang rosaryo nilang magkaibigan ay doon napagkit ang kanyang tingin. "Diyos ko! Kayo na ang bahala sa 'kin!" Taimtim niyang dasal na napapikit saglit. Rumagasa ang luha niya sa kanyang