Tila ba tumigil ang pag-ikot ng mundo sa pakiramdam nina Jomar, Rey, Jhie at Aling Felisita sa nasasaksihan. Lahat sila ay napakapit ng mahigpit sa rehas na bakal na kanilang kinakukulungan. Parang slow motion sa pelikula sa kanilang paningin si Faith at ang lalaking sobrang laki ang katawan na nag-uunahan sa pagtakbo patungo sa kinaroroonan ni Jay-r. Napanganga na lang si Jay-r na nag-antay sa mangyayari. Palapit na palapit ang dalawa sa kinatatayuan nito! Pero sana! Sana si Faith ang mauna! s**t! "Jaaayyy!!!" Malakas na sigaw dito ni Faith. Parang slow motion na na kumilos si Jay-r. Iniangat niya ang kamay para abutin ang kamay ni Faith. Grabe ang kabog ng mga puso ng lahat. Kabadong-kabado silang lahat. At salamat sa Diyos dahil nagpang-abot naman ang kamay nina Jay-r at Faith. "H