Pagkabagsak na pagkabagsak ni Jomar sa sahig ng malawak na silid na iyon ay bangon agad ito at takbo sa kinaroroonan ni Faith kahit na masakit ang pwetan nito at paa nito. Tago agad ito sa likod ng dalaga. "Faith, huwag mo akong pababayaan hah? 'Di ba buddy buddy na tayo? Tayo nina Jhie, 'Di ba?! 'Di ba?!" nanginginig nitong bulong na napahawak sa balikat ni Faith. Para itong batang nagtatago roon. "Kunin mo 'yang baril diyan sa likod ko. Pero gamitin mo lang 'yan kapag kinakailangan," utos dito ni Faith. Namilog ang mga mata ni Jomar. "May baril ka pala? Bakit 'di mo na lang binaril kanina 'yang lalaki na 'yan?! Nagpagod ka pa!" anito habang kinukuha nga iyong dalawang baril at sinuksok sa tagiliran ng pasimple. "It's a game rule. Bawal gumamit ng baril. Laro na namin 'to noon na magk