Hindi mabilang kung ilang babaeng naka-ninja costume ang lumabas sa mga sabay-sabay na nagbukas na mga pinto ng malawak na silid na iyon. Agad naghanda si Faith! Pero si Rey ay napangiwi lang ang mukha kahit na siya ang punterya ng madaming babae! Sugod agad ang mga ito sa kanya! "Oy!" At iwas niya sa naka-espadang babae. Buti na lang dahil muntik ng mapigtas ang kanyang ulo. "Yaaahh!" hataw naman ng isa pang babae ng mahabang stick. Nakaiwas ulit siya. Ta's sabay-sabay na ang mga babae na iba-iba ang armas. Gigil na gigil sila na patayin siya. "Oy!" lang ng "Oy!" siya na panay ang iwas. Kaya si Faith na ang lumaban. "Hiyah!!" banat niya sa mga babae. Pero magagaling din ang mga babae sa martial arts. Hindi lang pala sila basta-basta na naka-costume lang. Habang si Rey ay iwas ng iw