Agad pumara ng taxi si Faith papuntang airport. At habang sakay siya n'on ay mataman siyang nag-isip kung anong gagawin. Nakahalukipkip ang isang kamay niya at hawak ng isa pa ang kanyang baba. Kailangang pulido ang gagawin niyang hakbang para 'di siya makilala ni Rey o ng dalawa nitong kasama o ng mga pulis, pati na rin ni Mia. Habang nag-iisip siya ay nahagip ng kanyang paningin ang sumbrero at itim na sunglass ng taxi driver na nakalapag sa harapan ng taxi. Pagkuwa'y may naisip na siyang idea. Umusog siya ng upo, tumapat siya nagdada-drive na lalaki. At mabilis ang kanyang naging kilos na pinatulog ang taxi driver. Kabisadong-kabisado na ng kanyang pulso kung saan patatamaan sa batok ang isang tao para mawalan ito agad ng malay. At bago pa man mabangga ang taxi ay nahawakan na niya