Sa gilid ng mga mata ni Faith ay nahagip niya ang sumusunod sa kanya na si Rey. At sa isang salamin ng sasakyan na nakaparada ay nakumpirma niyang si Rey nga ito. "Sh*t!" She cursed under her breath. Kinabahan siya pero hindi dapat siya papahuli kahit na anong mangyari. Naniningkit ang kanyang mga mata na pinaspasan ang kanyang lakad. Buti na lang at may nakita siyang umpukan ng mga tao. Ginamit niya iyon para mailigaw ang binata. Isang babae na kakulay ng itim niyang damit ang kanyang nilapitan. At sa galing niya sa diskarte ay ito na ang nasundan ni Rey, na akalang siya. Saglit lang ay nakangisi na lamang siya na nakatingin kay Rey sa 'di kalayuan. At kitang-kita pa niya ang pagkalabit ng binata sa babaeng iyon. Natawa pa siya nang nakita niyang sinungitan ito ng babae. Tapos ay tumal