Biglang mulat ng kanyang mga mata si Jhie. At kunot ang noong napatingin siya sa pinto. Nakiramdam. Saka mabilisang bumangon. Sa lagi nilang pagsasama ni Faith ay kahit paano ay matalas na rin ang kanyang pakiramdam. Nahawa na siya kay Faith. Dumadagundong ang matinding kaba na tinungo niya ang mga computer niya. Tapos ay kabilis ng kanyang mga daliri na tumipa-tipa sa mga keyboard. Sing bilis ng pagrigodon ng kanyang puso. At mabilis ding nag-loading ang kanyang ginawa. TRANSFER ALL FILES! Ang makikita sa screen ng computer tapos nang mag-100% iyon ay DELETE ALL naman ang ginawa niya. "Bilis!" aniya na tumaas-baba ang kanyang dibdib sa matinding nerbyos. Saka napapatingin sa may pinto. Gumalaw ang doorknob ng pinto ng silid. Napatitig siya roon. Naningkit ang kanyang mga mata. "Lord,