"Jhie, ang sabi ko umalis ka na riyan!" Lumakas ang boses ni Faith. Tumahip kasi ang matinding kaba sa dibdib niya para sa kaibigan niya. Ngayon niya naisip na dapat ay hindi niya minaliit ang kapatid lalo na ang kakayahan ng kanyang Dad. Na kung matalino siya sa paggawa ng mga plano ay mas matalino ang kanyang Dad. "B-bakit?" mababakas na rin ang mas matinding takot sa tinig ni Jhie. "Jhie, can't you get it! Si Ate Len 'yon! At malamang sa ngayon alam na nila ni Dad ang ginawa ko!" "Oh, God!" "Kaya sige na, Jhie! Umalis ka na sa lugar na 'yan! Pumunta ka na rito! Bilisan mo! Kapag malapit ka na ay tawagan mo ako!" "Oo! Oo! Sige na ba-bye na!" Nataranta si Jhie na pinatay na niya ang tawag kay Faith. Mag-iimpake na siya ng mga damit. Subalit anong hintakot niya nang malingunan niya