"Faith, bakit ka umiiyak?" takang tanong ni Aling Felisita sa dalagang namamalisbis ang luha habang nakatitig sa passbook na hinihingian nito ng pabor. Ipinikit ni Faith ang kanyang mga mata. Akala niya.. akala niya talaga ay ginagamit ng Nanay niya ang perang pinapadala niya rito buwan-buwan. Bakit 'di nila ginamit?! Bakit kaya?! At kaya ba namatay ang Tatay niya? Dahil kahit may pera sila ay hindi nila ito ginalaw? Jusko! "Faith, iha? Okay ka lang?" untag sa kanya ng Nanay niya. Hindi na niya nakayanan ang sarili, yumakap siya sa Nanay niya. Mahigpit na yakap. "Nay! Nanay ko!" paulit-ulit niyang bigkas ngunit sa isip-isip lang niya iyon. Wala pa rin talaga siyang lakas-loob para ipagtapat na siya si Honey. "Ano bang nangyayari sa 'yong bata ka?" Hinagud-hagod ni Aling Felisita ang