PART 3

1600 Words
"Jhie, location ng target?" Napakaseryoso ng mukha ni Faith habang mabilis na binabagtas ng kanyang kotse ang kahabaan ng highway kung saan sinundan niya kanina ang mga kidnapper kid. Sa kabilang banda ay mabilis naman ang pagtitipa ng mga kamay ni Jhie sa keyboard ng high tech nitong laptop. Gamit ang satellite ay mabilis nitong natuntunan kung saan naroroon ang kanilang target. "Sa Barangay Sta. Ana. Isang lumang factory ng de-lata," saka sagot nito kay Faith. "Got it." Pinaikot ni Faith ang manibela. Lumangitngit ang gulong ng kanyang kotse sa kalsada. Pumakanan siya dahil may alam siyang short cut doon. Subalit muntikan na siyang ma-sandwich ng isang fx at isang bus. Buti na lang at naging maagap siya. Kinabig niya ang manibela. Parang tao ang kotse niyang alam tumagilid dahilan para walang kahirap-hirap na nakalusot siya. "Hoh!" sambit niyang napabuga ng hangin nang lumapat ulit sa kalsada ang dalawang gulong ng kanyang kotse. Napanganga tuloy ang mga driver ng Fx at Bus. Napakamot-ulo ang mga ito dahil ang galing, ang galing ng kotse. Parang eksena sa mga American Movies ang naging dating. "Sorry," kibit-balikat niyang naibulong habang nakatingin sa kanyang side mirror. Well, kasama iyon sa naging training niya sa pagiging assassin. Ang maging eksperto sa kotse at sa lahat ng bagay. Ano pa't naging assassin siya kung sa banggaan lang siya mapapatumba? Aisst. Nang nasa malapit na siya sa location ay tinigil niya ang kotse niya sa 'di kalayuan. Nagtali siya ng buhok at sinuot niya ang jacket niyang may hood. At kinabit sa beywang niya ang isang belt na kumpleto na sa gamit. May lazer na roon, kutsilyo, baril, at mga extrang bala. Sapat na 'yon para sa kanya na armas. Ang gagawin lang naman niya ay patayin ang target niya. Wala siyang pakialam sa mga kidnapper, pero kung papalag ang mga ito, well sorry na lang. Pero hangga't maaari ay hindi siya nandadamay ng mga inosente. Nagsuot din siya ng itim na gwantis at sunglass saka lumabas na. Pinindot niya ang hikaw niya. Hinayaan niya munang hikaw iyon. "Jhie, I'm here." "Sa likod may nakabukas na bintana. Walang tao ro'n. Shut down na rin ang mga CCTV." "Okay." Lumakad na siya na parang wala lang. Nakita niya ang mga nakabantay sa harapan ng lumang factory. At napansin niya malaki ang pagawaan. Tulad ng dati ay walang nakapansin sa kanya. Sa likod ng factory ay nakita na niya ang sinasabi ni Jhie na bintana. Tumingala siya roon. Maliit na bintana lang iyon at medyo mataas. Pero alam niyang sakto naman ang slim niyang katawan doon. Walang kahirap-hirap niya iyong tinalon. Sa mga ganitong eksena naman niya nagagamit ang gymnastic na buong buhay niyang pinag-aralan. Lumusot siya sa maliit na bintana na una ang paa niya. At tumalon para makababa pero napangiwi siya dahil CR pala ang pinasukan niya. What a sh*t! Ang baho! Hindi ba nagbubuhos ng kubeta ang mga tao rito?! F*ck! Nagmadali siyang lumabas. Kundi sa baho ng CR siya mamamatay. Goodness! Kaya lang ay isang lalaki ang saktong mag-si-CR. Nagkabungguan silang dalawa. Sa gulat ng lalaki ay bubunot sana agad ito ng baril pero naunahan niya ito. Binigwasan niya agad ng malakas na right hook. A Left or Right Hook is a punch in boxing. It is performed by turning the core muscles and back, thereby swinging the arm, which is bent at an angle near or at 90 degrees, in a horizontal arc into the opponent. A hook is usually aimed at the jaw, but it can also be used for body shots, especially to the liver. Then sinunod niya agad na binali ang leeg nito. Bagsak ang katawan ng lalaki. At para hindi siya muna mahalata ay hinila niya ito sa loob ng CR. Saka mas maingat na siyang lumabas ulit doon. Tsk! Kasasabi lang niya na hindi siya mandadamay ng inosente, pero heto nakapatay na agad siya. "Bakit ka ba kasi nag-CR? Ang malas mo naman. Sorry na lang, ha?" nakangiwing anya sa patay nang lalaki niya ito iniwan. Nag-peace-sign din siya rito. Yeah, she's an assassin. A killer. But she doesn't kill people with no reason. . . . "Wala pa bang tawag si big boss?" naiinip ng tanong ni Rey sa mga kasamahan. Ganito sila, sila ang kikidnap pero ang tinatawag nilang boss na ang bahala sa transaction. Tatawagan na lang sila kapag tapos na ang tubusan. At saka sila babayaran. "Parating na raw sila. Pwede na kayong umalis," sabi ng lalaki. Tumayo na nga mula sa kinauupuang bangko si Rey. "Okay, kayo na ang bahala riyan kung gano'n," saka aniya tapos ay sinenyasan na niya siya Jomar at Jay-r para umalis na sila sa lugar na iyon. Iniwan na nila ang negosyanting kinidnap nila sa mga kasamahan. "Sigurado tiba-tiba na naman tayo rito," ani Jomar na pinagkukuskus ang dalawang palad. Hindi pa man ay natatakam na sila sa perang ibabayad sa kanila ng tinatawag nilang big boss. "Bakit kasi hindi na lang tayo magsolo, Rey? Mas tiba-tiba sana tayo," sabi naman ni Jay-r. Pinitik sa kung saan ni Rey ang sigarilyong hinihithit niya saka pinamulsa ang dalawang kamay na naglalakad. "Mas mainam na ang ganito. Sumabit man tayo ay may tutulong sa atin kung sakali." "Oo nga naman, Pare. Okay na 'tong ganito. Hindi na natin problema ang negosasyon. Bahala na sila. Uupo na lang tayo mamaya sa mga bahay natin habang nag-iintay ng pera," siko ni Jomar kay Jay-r. Kamot-ulo na lang si Jay-r. "Saglit. Sumakit bigla 'tong tiyan ko." Si Rey na nagpatigil sa kanilang paglakad. Nakapisil siya sa tiyan niya. Tapos ay napatakip ng ilong sina Jay-r at Jomar. "Hooh! Ang baho naman!" reklamo ni Jomar na napalayo kay Rey. Ang lutong ng naging tawa ni Rey. Umutot kasi siya. "Sandali. Magbawa muna ako sa loob," aniya bago nagtatakbo pabalik. Gulat tuloy ang isang lalaking nagbabantay sa kinidnap nila nang makita siya. "Oh, napabalik ka?" "May CR ba rito, Brad?" "Doon sa taas," sagot ng lalaking armado ng armalite. "CR muna ako," aniya rito. "Sige." Napangisi si Faith nang makita niya kung nasaan ang target niya. Inihanda na niya ang baril na may silencer. At tinutok agad iyon sa ulo ng target. Saka walang ano mang pinaputokan. Bulls eye! Paglagpas ni Rey sa kinidnap nilang bilyonaryo ay napatingin ito rito bigla dahil bigla na lang may tumalsik sa mukha nitong likido mula roon. Tapos may tumunog na--- "Sh*t!" Nanlaki ang mga mata ng binata nang makita niyang nabaril sa ulo ang mayamang matanda. Agad napayuko si Rey kasabay ng pagbunot nito sa baril na nakasukbit sa tagiliran niya. Kasabay n'on ang paglikot ng mga mata rin niya sa paligid. Napatingin siya sa taas. Doon, nakita niya ang bumaril sa kinidnap nila. Walang pagdadalawang isip si Rey na binaril ang salarin. Nakibaril na rin ang lalaking kanina'y nagbabantay sa matandang mayaman. Maliksing nakaiwas naman si Faith sa pambabaril sa kanya. Yakang-yaka na niya ang mga ito. Kutsilyo na lang ang pinunterya niya sa isang lalaking bumabaril sa kanya. Sapul sa noo ang lalaki. "Sorry," saka pilyang sabi niya dahil nakadalawa na siyang ng napatay na hindi sana dapat. Tapos ay nakangiti na siyang nagtatakbo. Kung saan siya pumasok ay doon din siya lalabas. Ang hindi niya alam ay nakasunod agad sa kanya ang isang lalaki. "Tigil!" At sabi nito sa likuran niya. Napatigil nga siya dahil alam niyang tinutukan siya ng baril ng lalaki. Naninigkit ang mga mata ni Rey. Sa ulo ng nakatalikod na--na lalaki? O babae ba ito? 'Di ito sigurado... Sharpshooter ang binata. A sharpshooter is one who is highly proficient at firing firearms or other projectile weapons accurately. Isang kilos na hindi maganda ng kalaban ay sigurado itong sabog din ang ulo nito tulad ng ginawa nito sa kinidnap nila at sa kasamahan nila. Tinaas naman ni Faith ang dalawang kamay niya. Pero hindi alam ni Rey ay nakangiti ang dalaga. "Huwag kang kikilos!" madiing sabi ni Rey sa kalaban. Subalit kumilos na si Faith. Gustohin man niyang sundin ang lalaki na huwag kumilos ay wala na siyang oras, eh. Wala na siyang oras makipaglaro. Thirty minutes ang gusto niyang oras lang niya sa lahat ng lakad niya. "Yaaahhhh!" Kaya parang may pakpak siya na nag-power tumbling sa ere. At sa isang iglap ay nasa likuran na siya ng lalaki. Power Tumbling, is an acrobatics sporting discipline which combines skill of Artistic Gymnastic with this of trampolining. Hindi nakaalma agad si Rey. Natulala ito sa kabiglaan. Nakangiti pa rin siya na pilyang inamoy muna ang pabango ng lalaki saka niya pinatamaan sa batok gamit lang ang isang kamay niya. Pinatulog lang niya ang lalaki. Napaigik si Rey at padapa itong natumba. Pero ewan ni Faith dahil sa hindi mailarawan na damdaming biglang tumubo sa dibdib niya ay napatitig siya sa naka-sideview na mukha ng lalaking nawalan ng malay. "In fairness, ha? May hitsura ang lalaking ito! Guwapo!" naisaloob niya. Kaya lang ay natigil ang pagtitig niya sa lalaki nang marinig niya ang pagdating ng iba pang mga lalaki at tuluyan na siyang tumakas ng walang kahirap-hirap. Lumusot siya ulit sa bintana ng CR at nagtatakbong tinungo ang kotse niya. Pinaharurot niya agad ang kotse niya paalis. "Mission accomplished," saka nakangising balita niya kay Jhie sa hikaw niya. . . SA MALAYONG LUGAR ay nag-ikes ng pula ang larawan ng target ni Faith sa monitor ng lalaking nakaharap dito, lalaki na si Don Savillano, ang daddy ni Faith. At ang ibig sabihin ng ekis ay napatay na ni Faith ang kalaban. Nang makita iyon ng Don ay kampante itong napasandal sa mamahalin nitong upuan at napangisi. Hindi talaga siya binibigo ng kanyang bunsong anak........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD