PART 4

1521 Words
Nag-inat ng kanyang mga braso si Faith. She just woke up at medyo okay naman sa tingin niya ang gising niya ngayon. Lumapit agad sa kanya si Jhie na may hawak na ng schedule niya ngayong araw. "Sasama ka mamayang ten a.m. kay CEO Francisco. Marami pa siyang ituturo sa'yo about sa company niyo. Pagkatapos ay may lunch date ka sa Dad mo. Tumawag siya kanina tapos --" "After what he did yesterday?! Aah! I can't believe him!" Naiiling na agaw niya sa sinasabi ni Jhie. "Cancelled all my appoinments today, Jhie. Tell to them na mas may importante akong lakad ngayon keysa sa kanila!" Tapos ay taas noong bumangon na siya. Nagtatampo siya sa Dad niya. Well, alam naman niyang panakot lang iyon ng Dad niya sa kanya para hindi lumaki ang ulo niya, pero nakakatampo lang kasi. What if, hindi siya magaling? E'di nasa heaven na siya matagal na?! "Pati 'yung sa Dad mo?" "Yeah!" Nagtali siya ng buhok at tinanggal ang damit niyang pantulog ng walang ano man. Tumamba ang kaseksihan niya pero dahil parehas naman silang babae ni Jhie ay wala lang 'yon. Tapos ay pumasok na siya sa sliding door niyang banyo. Agad siyang nag-shower doon. Napapakamot sa batok na lang si Jhie na binaba ang schedule ng dalagang alaga at kaibigan na rin. "Faith, sa tingin ko dapat mong siputin ang Dad mo mamaya. Baka hindi na lang bala ang isurpresa sa'tin ng Ate Len mo kundi granada na!" She smiled a devil's smile habang abala na sa pagsasabon ng alaga niyang katawan. "E'di tumakbo tayo! Madali lang 'yon iwasan!" ta's biro niya sa kaibigan. Si Jhie ay kaibigan na niya bata palang sila. Simula no'ng kinidnap siya at dinala sa isang isla at tinuruan ng kung anu-anong bagay para maging isang dalubhasang assassin ng kanyang Daddy. Siya ay tinuruan ng iba't ibang klase ng pagpatay, sila ng Ate Len niya na kasabayan niyang na-kidnap noon. Isang taon na silang sinasanay nang dumating noon sa isla ang batang si Jhie. Si Jhie ay tinuruan naman tungkol sa pagha-hack at kung anu-ano pa tungkol sa computer. Matigas kasi ang katawan ni Jhie at matatakutin kaya hanggang computer na lang ang tinuro rito. Simula noon ay partners na sila in life and in crime! At dahil mabait siya noong bata, masunurin at madaling natuto sa pagpatay ng mga tao ay nawili sa kanya ang kanyang Dad. Itinurin siyang tunay na anak. Legal siya nitong inampon, pinalitan ng pangalan at kung anu-ano pa gamit ang koneksyon nito at syempre ng maraming pera. Gayundin ang kanyang Ate Len. Ang natatandaan niya ay ten years old siya nang unang nakapatay siya ng tao. Binaril niya ang lalaking tauhan ng kanyang Dad sa ulo dahil gusto siyang gahasain sa kabila ng murang edad niya noon. Pero nalaman niya kalaunan, na part iyon ng kanyang pagsasanay bilang assassin. At fifteen years old naman na siya nang sanay na siya sa gawain na ganito. Masaya naman siya sa naging buhay niya. Sagana siya sa lahat ng bagay. All she wants, she gets. Kahit pa ang kapalit n'on ay ang pagkawalay niya sa tunay niyang mga magulang. Seventeen years old siya nang mahanap niya ang mga magulang niya at muling nakita ang mga ito, pero ni hindi man lang niya nayakap ang mga ito dahil nasundan pala siya ng Ate Len niya at pinigilan siya. Simula no'n ay hindi na siya nakabalik doon dahil sa banta ng kanyang Dad na kapag bumalik pa siya ay ipapapatay niya ang mga ito. Sa takot niyang saktan ng kanyang Dad ang tunay niyang mga magulang ay hindi na nga siya nagtangka pang bumalik doon. Pero ngayon ewan niya dahil bigla ay gusto niya ulit makita ang mga ito. Alam naman niyang maayos ang mga kalagayan nila dahil buwan-buwan pinapadalhan niya sila ng maraming pera na gamit ang pangalang 'anonymous'. "Wala ka na talagang takot, Faith! Diyos ko ka!" Napa-sign of the cross si Jhie. "Ikaw naman hindi na nawala wala ang pagkaduwag mo," kantyaw niya sa kaibigan niya. "Ewan ko sa 'yo! Kung puwede nga lang mag-resign na sa trabahong ito, eh!" "So, maaatim mo na palang iwanan ako?" Nagbabanlaw na siya. Minadali niya ang paliligo dahil malayo pa ang byabyahiin niya. "Of course not! I mean tayong dalawa! Kung sana makalaya na tayo sa buhay na ito." "You wish! Jhie, sa ganitong buhay na tayo lumaki. Sa tingin mo matatanggap pa tayo ng lipunan in case na magbagong buhay tayo? At nang pamilya natin? Probably not!" Nagpakawala ng malalim na buntong- hininga si Jhie. Pulis ang ama ni Jhie. Pero kahit bihasa ang dalaga sa computer ay ni maiksing mensahe para sa ama ay hindi rin nito magawa dahil tulad din ni Faith ay binalaan ito ni Don Savillano. "Ang buhay na natin ay hawak ni Dad. Kaya wala na tayong magagawa," sabi pa ni Faith na lumabas na sa banyo. Hindi na umimik si Jhie. Tama naman lahat kasi ng sinasabi ni Faith, eh. Humarap na lang ito sa mga computer nito. At nagpipindot ng kung anu-ano roon na mahaba ang pagkakanguso. Kung bakit kasi hindi sila nahanap noon ng mga pulis?! Kainis! "By the way hindi ka sasama sa 'kin ngayon." Biglang tingin si Jhie sa kaniya. "At bakit?" ta's takang tanong nito. Kapag kasi walang lakad na tungkol sa trabaho ay sinasamahan siya nito kahit saan man siya magpunta. Kasama sa trabaho nito. She just smirked and winked. "Naku! Naku, Faith, hindi ko gusto 'yang ngisi mo na ganyan! Umayos ka!" She barked out laugh. Kaibigan niya talaga nerbyoso. Kaloka. "Bye!" Nang makabihis nga'y walang ano mang paalam na niya kay Jhie. Maliksi siyang lumabas ng bahay. Wala nang nagawa si Jhie para pigilan siya. ••• Napapahimas na lang si Rey sa kanyang batok habang pinapakinggan niya ang sermon sa kanila ng Big Boss nila tungkol sa nangyari sa bilyonaryong napatay ng hindi nila alam kung sino. "Ang dami niyo! Hindi niyo man lang nakita kung sino ang pangahas na iyon! Mga wala kayong kwenta! Mga tanga!" Napangiwi siya. Nagising na lang kasi siya kahapon na binabantayan siya nina Jomar at Jay-r. Nawalan daw siya ng malay habang nakikipagtugisan sa pumatay sa bilyonaryong kinidnap nila. "Ikaw, Rey?! Hindi mo man lang nakita ang mukha niya?! Nasa harapan mo na!" bulyaw sa kanya ng boss nila. "Sorry, Boss. Nakatalikod kasi siya, eh," nahihiyang pagrarason niya. Totoo naman 'yon, eh. Pero ang hindi niya mawari ay kung babae iyon o lalaki. Hindi na lang niya sinabi iyon. Dahil mas magagalit sigurado ang big boss nila kapag nalamang babae ang nagpurnada sa kanila. "Bullsh*t talaga! Bulsh*t! Pera na naging bato pa! Lumayas kayo sa harap ko! Mga wala kayong silbi!" Naiiling na lang siya na lumabas sa hide out nila. Naiintindihan naman niya ang big boss nila dahil malaking halaga ang perang nawala hindi lang dito pati sa kanila na rin. Sayang nga naman talaga 'yon dahil malaking halaga pa naman ang kinakailangan niya ngayon. "Ano ba kasing totoong nangyari, Rey?" tanong sa kanya ni Jomar nang makalabas siya. "Bakit napatulog ka lang basta-basta ng kung sino man 'yon?" "Hindi ko alam. Basta 'yun na 'yun," maikling sagot niya habang tinutungo nila ang mga motor nila. "Kanya-kanya muna tayo. Tawagan ko na lang kayo kapag may ipapatrabaho ulit sa 'tin," pagkasabi niya n'on sa dalawang kasama ay pinaharurot na niya ang motor niya. Badtrip na badtrip siya ngayon. Naiinis kasi siya dahil napatumba siya ng taong iyon ng walang kahirap-hirap. Hindi niya yata 'yun matatanggap! Sh*t! ••• Ilang oras nang nakaparada ang kotse ni Faith sa tapat ng bahay kung saan huli niyang nakita ang mga magulang niya. Pero wala pa ring lumalabas doon na tao. Kinabahan na siya. Hindi kaya lumipat ulit ng tirahan ang mga magulang niya? She sighed deeply. Sabagay ilang taon na ba noong huli siyang nagpunta rito? Kaya hindi na siya magtataka kung iba na nga ang mga nakatira sa bahay na tinitingnan niya ngayon. Gusto na niyang lumabas at katukin ang bahay pero alam niyang mapanganib. Matalino at segurista ang Daddy niya. Baka kung anu-ano ang mga pinakabit nito sa paligid para ma-trace nito kung magpunta siya rito. Kaya dapat makuntento na lang siya sa pagtanaw sa mga magulang niya kung sakali. Nag-rent pa nga siya ng ibang kotse dahil dapat talaga ay doble ingat siya. Sa konting pagkakamali niya ay alam niyang ikapapahamak ng mga magulang niya. Ilang oras pa ang inalagi niya roon pero wala pa ring lumalabas sa bahay. Nainip na siya, siguro ay babalik na lang siya next time. Akmang bubuhayin na niya ang makina ng kotse nang biglang may naka-motor na pumarada sa tapat ng bahay ng mga magulang niya. Naningkit ang mga mata niyang pinagmasdan kung sino ang dumating. Nag-alis ng helmet ang lalaki at anong shock niya nang makilala niya kung sino ito at pumasok ito sa bahay ng mga magulang niya. "Sino siya sa buhay ng mga magulang ko?" She asked herself, frowning. Mas na-curious siya sa tunay na pagkatao ng lalaki na iyon. Dahil ang lalaking iyon ay ang lalaki lang naman na nakaharap niya at pinatulog niya kahapon sa factory ng de-lata..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD