Prenteng nakatayo sa rooftop si Faith ng ospital kung saan naka-confine ang kanyang ina. Hinahayaan lang niya na na nilalaro ng hangin ang kanyang mahabang buhok at ang kanyang mahabang coat na kulay itim. Nakatayo siya sa pinakagilid na bahagi ng gusali at ninanamnam muna ang malamig na hangin doon.
Hindi siya nagpapigil kay Jhie. No one can stop her now to see her mother. Ngayong alam na niya na may malubhang sakit ito at may taning na sa buhay.
Stage four na cancer sa atay ang nalaman niyang sakit sa ina nang hinack niya ang system ng General Hospital kahapon. Iyak siya nang iyak nang mabasa niya ang record ng nanay niya. At wala na siyang naisip gawin kundi ang puntahan ito kahit pa na alam niyang napakadelikado. Wala na siyang pake!
Inhale at exhale muna siya bago siya nagpatihulog sa building ng walang katakot-takot. Kung titingnan ay para siyang mahuhulog dahil wala siyang harness or ano mang nakakabit sa katawan na proteksyon. Ngunit kahanga-hanga talaga siya dahil pagsapit niya sa kwartong kanyang sadya sa ospital na iyon ay nakasabit siya agad sa bintana.
Tapos ay ginamit niya ulit ang kanyang galing sa gymnastics para makapasok doon. Bumagsak siya sa silid na animo'y pusa na walang kaingay-ingay na lumapag sa sahig.
Nakiramdam muna siya bago siya tumayo at inayos ang sarili. Saka parang wala lang na nilapitan na ang babaeng may edad na nakahiga sa kama at tulog.
She's thankful dahil walang bantay. Lumapit pa siya at 'di na niya napigilan ang sarili. Tumulo na ng kusa ang mga luha niya. "N-nanay?" tapos ay mahinang bigkas niya.
Gustong-gusto niyang yakapin ang ina dahil kitang-kita sa mukha nito ang paghihirap nito sa sakit pero hindi niya ginawa dahil ayaw niyang magising ito.
"Sorry, 'Nay, ngayon ko lang nalaman!" madamdaming usal niya. Nakuntento na lang siya sa pagtitig sa ina para hindi niya ito magising.
Oo, nandito siya ngayon pero hindi para magpakita na sa ina. Kundi para makita lang niya ito!
"Patawarin niyo ako kung hindi ko kayo maalagaan. Sorry po!" Tahimik na lang siyang umiyak.
Hanggang sa umungol ang Nanay niya. Kinabahan siya. Pero umayos lang pala ito sa pagkakahiga.
Ang ikinatayo ng mga balahibo sa katawan niya ay no'ng nagsalita ang Nanay niya na tulog. "Honey, anak! Nasa'n ka na anak ko?"
Lalong rumagasa ang mga luha sa mga mata niya. "Nanay, andito po ako," mahinang sagot niya. Muntik na niyang mahawakan ang kamay ng ina pero buti at napigilan niya ang sarili. Naikuyom niya ang palad niya bago pa man niya naihawak iyon sa kamay ng ina.
Kung ilang minuto siya na nag-iiyak doon ay hindi niya na alam. Basta kinuntento na lang niya ang sarili niya sa pagtitig sa ina. Sapat na 'yon para maibsan ang pagngungulila niya rito.
Napakislot at napilitan lang siyang umalis nang gumalaw at dahan-dahang nagmulat ng mga mata ang Nanay niya. Nagigising na talaga ito.
Sa paningin ni Aling Felisita ay may malabo itong naaaninag na hitsura ng isang babae pero lukso ng dugo siguro kaya tinawag nito ang dalagang nakatayo sa gilid. "Honey? Anak? Ikaw ba 'yan?"
Sa bintana sana ulit lalabas si Faith pero nang dumungaw siya ay may mga naglilinis at nagpipintura na roong mga kalalakihan na nakasabit. Hindi siya pwede makita ng mga ito na kumikilos ng mga hindi normal na kilos.
Kaya naman napilitan na lang siyang hubarin ang coat niya at itapon iyon sa bintana. Saka nagmadali na siyang lumabas sa silid ng ina.
"Honey?!" Narinig pa niyang tawag ng Nanay niya sa kanya pero hindi na siya lumingon pa. Hindi pwedeng mamukhaan siya ng ina.
Sa paglabas niya ay animo'y ordinaryong babae na ulit siya dahil wala na ang coat niya. Naka-t-shirt na lang siya ng itim at pantalon na hapit sa kanyang katawan.
Saktong nakalayo siya sa pinto ng silid ng ina nang makita niyang dumating ang lalaking nagmamay-ari ng motor. At hindi niya alam kung bakit napatigil siya sa paglakad.
Napatingin sa kanya ang lalaking may hawak ng paper bag. At medyo matagal silang nagkatitigan. Huli na para maisip niya na hindi pala pwedeng makita ng lalaki ang kanyang mukha. Damn! How can she be foolish?!
Buti na lang at may doktor na dumating at tinawag ang lalaki. Aalis na sana siya pero narinig niyang binanggit ng duktor kasi ang pangalan ng kanyang ina kaya napatigil siya sa paglakad saglit.
"Sige, Doc. Gawin niyo po lahat ng ikakabuti ng pasyente," sabi ng lalaki.
Hanggang doon na lang ang narinig niya dahil nagtuloy-tuloy na siya sa pag-alis. Wala na siyang lingon-lingon kaya naman hindi na niya nakita ang pagsunod ng tingin ni Rey sa kanya.
Dali-dali siyang sumakay sa kotse niya pero muli ay natigilan siya dahil nahagip ng tingin niya ang motor ng lalaking tumutulong sa Nanay niya. Hindi talaga niya maisip kung sino ang lalaki?! At ano ang rason nito bakit nito tinutulungan ang Nanay niya!
Kaya naman isang maliit na gadget ulit ang kanyang inilagay sa motor ng lalaki. It's a wireless mini spy listening device na kayang madinig ang pinag-uusapan ng mga taong malapit sa motor.
SA LOOB ng silid ng ina ni Faith ay hindi mawala-wala sa isip ni Rey ang babaeng nakita kanina. Ang ganda kasi! At tila ba tumibok ang puso niya nang makatitigan niya ito!
Sayang at hindi niya ito nakilala. Sayang talaga!
Sino kaya siya?
"Rey, may problema ba?" pansin tuloy sa kanya ni Aling Felisita.
"Ah.. eh.. W-wala po, Tita. Kumusta ang pakiramdam mo po?"
"Okay lang ako. Pero alam mo ba parang nakita ko kanina rito si Honey." Ang luwang ng ngiti ni Aling Felisita.
"Po?!"
Kwinento ng matanda ang nakita nito at napangiti rin siya. "Kaya nga po sabi ko magpagaling kayo. Pumayag na kayong magpa-chemo para gumaling na po kayo at maantay niyo pa ang pagbabalik ni Honey." Sa isip niya ay baka napanaginipan lang ni Aling Felisita ang anak nitong matagal ng nawawala dahil nakidnap ito noon.
•••
Nakahinga ng pagkaluwag-luwag si Jhie nang sa wakas ay bumalik na si Faith sa bahay nila.
"Sigurado ka bang hindi malalaman ng Dad mo ang ginawa mong ito? Naku Faith, mas nilagay mo pa sa panganib ang nanay mo sa ginawa mo, eh!"
Subalit hindi pinansin ni Faith ang kaibigan. Sa halip ay dumere-diretso siya sa mga computer at may sinaksak siya roon.
"Ano na naman 'yan?" usisa agad ni Jhie sa kanya.
Sinenyasan niya itong tumahimik muna.
"Sino ba 'yang trina-track mo, ha? Bakit parang intiresado ka masyado sa taong 'yon?!" pero tanong pa rin sa kanya ni Jhie.
Humalukikip siya. "Isang lalaki na hindi ko maintindihan bakit tinutulungan niya ang nanay ko," tapos ay sagot niya na matamang pinapakinggan ang nagmumulang mga ingay sa device na kakakabit lang niya sa motor ng lalaki.
"Baka naman kamag-anak niyo," panghuhula ni Jhie na nakikinig na rin.
"I don't know," matipid na aniya. Umupo siya sa swivel chair at matamang nag-antay. Wala siyang ideya kung kamag-anak nga nila ang lalaki dahil wala siyang matandaan na kamag-anak nila.
Si Jhie nakatulugan na ang pag-aantay. Siya tiniis niya talaga, atat na siyang malaman kung sino ang lalaki.
Nang sa wakas ay nadinig na rin niya na umandar ang motor. Halos mabingi pa siya sa lakas n'on. Hininaan niya ang volume. Siguro ay paalis na ospital ang lalaki.
At muli siyang napatutok ng dinig nang tumigil na ang motor. Sinipat niya ang tracking device at nalaman niyang sa may bandang Circle Park tumigil ang lalaki.
Ilang minuto pa ay nadidinig na niyang may kausap ang lalaki.
"Sige bossing, papunta na ako diyan!"
Sa pagkakataong iyon ay kinilabit na niya si Jhie. Sa tingin niya ay kailangan na niya ang tulong nito.
"Mmm? Bakit?" pupungas-pungas na tanong ni Jhie.
"Jhie, i-trace mo kung saang exact location siya dali!"
"Sino?"
Tinuro niya ang nagbli-blink na green sa tracking device nila. Tumalima naman agad si Jhie. Nagmamadali agad itong humarap sa computer katabi ni Faith.
"Sa Ajena Hotel ito, ah?" mayamaya ay takang sambit ni Jhie.
"Ajena hotel?!" mas nagtakang ulit niya. Syempre alam niya 'yon dahil halos milyonaryo o bilyonaryong tao lang na katulad ng Dad niya ang nagpupunta sa lugar na iyon.
"Kung gano'n hindi ordinaryong tao ang bossing niya?" tapos ay napag-isip-isip niyang sabi.
"Sino?"
"'Yan! 'Yung lalaking tumutulong sa nanay ko!"
"Eh, syempre, kidnapper kid siya. Hindi naman siguro sila basta-basta makakakilos sa mga krimeng ginagawa nila kung walang may hawak din sa kanila. Tulad natin."
Napatango-tango siya. Jhie has a point kaya naman mas nag-ka-interesado pa siya sa lalaki. Sa tingin niya ay exciting itong tao!
Well, sabagay sa kagwapohan pa lang ng lalaking iyon ay kaexsa-exciting na! Wait?! What?! Ano bang iniisip niya? Shame!
'Di niya namalayan na may sumilay pa rin na ngiti sa labi niya. Sa tingin niya ay dapat niyang makilala talaga ang lalaki.
"Jomar, dating gawi!" mayamaya pa'y nadinig niyang boses na ng lalaki.
"Dating gawi raw, oh!" Tawa si Jhie.
Natawa rin siya. Tapos ay tunog ulit ng motor ang matagal na maririnig doon. Sinamantala niya iyon para kumain muna. Saktong patapos na silang kumain ni Jhie nang marinig nilang tumigil ang motor. Nagmadali agad silang dalawa na bumalik sa mga harapan ng computer.
Trinace agad ni Jhie kung saang location na ang ine-stalker nilang lalaki. "Nasa Guadalupe siya!" ta's pagbibigay impormasyon nito sa kaniya.
She nodded once.
Mayamaya pa'y malinaw na nilang naririnig ang usapan ng tatlong lalaki.....
"Anak 'to ni Mr. Sy, ah?" Gulat si Jomar nang makita nito ang larawan ng susunod nilang kikidnapin. Paano'y ang anak iyong dalaga ng may-ari ng mga pinakasikat na mga mall dito sa Pilipinas.
"Oo nga mukhang mahihirapan tayo riyan," sabi naman ni Jay-r.
"Kaya 'yan makabawi man lang tayo kay bossing," ani Rey na pampalakas-loob sa dalawang kasama.
Wala silang kaalam-alam sa maliliit na aparatong nakakabit sa motor ni Rey.
Napakunot-noo naman si Faith sa narinig. So, ang susunod pala na target nila ay si Mia! Ang anak ni Mr. Sy na isa sa mga ka-socialize niya bilang mga anak ng mayayamang negosyante.
Napangisi siya pagkuwa'y napasandal sa kinauupuan. Mayroon kasing biglang nabuo na plano sa isip niya. At sa planong iyon ay makakasama niya ang Nanay niya sa pamamagitan ng lalaking iyon..........