"Hey! How did you get in here?!" Gulat na gulat si Mia, ang anak ni Mr. Sy nang makita nitong kampanteng-kampante na nakaupo sa gilid ng kama nito si Faith.
Ngumiti si Faith sa dalaga pagkuwa'y tumayo siya at pa-social na humalukipkip.
Actually they are not close kahit pa madalas na magkita sila sa mga social gatherings na para sa mga exclusive na anak at relatives ng mga mayayamang business tycoons. Paano'y si Mia kasi ay katulad ni Ate Len niya na maldita kaya never niya itong kinaibigan. Tapos naknakan pa ng arte. Tss.
"You know what I'm freackin' tired! So please get out of my room!" suplada pa ni Mia sa kanya.
"Don't you ask me why I'm here?"
"I don't damn care! Just get out!" Lumapit sa kanya si Mia at tinabig siya. Saka pabagsak itong humiga sa kama nito. What a b***h brat! Tss!
She rolled her eyes as she sighed. Yeah, alam na niya! Galing na naman sa disco bar ang dalaga. Mahilig kasi si Mia sa night life. Tulad din ng ibang mga anak ng mayayaman. Siya lang yata ang hindi.
"Aren't you aware that your life is in danger?" She stated not looking to Mia.
"Matagal ko nang alam! Lahat naman tayo na anak ng mga mayayaman ay nanganganib ang buhay kaya nga ipapadala ako ni Dad sa States," sagot ni Mia, nilubog nito lalo ang ulo sa malambot nitong mga unan.
"What if I tell you that anytime na lalabas ka ulit dito sa condo mo ay may kikidnap na sa 'yo?!"
Napabalikwas ng bangon si Mia. "You're not funny, b*tch!" then singhal nito sa kanya.
Pumihit siya at hinarap ang dalaga na hindi inaalis ang pagkakahalukipkip. "Look outside para malaman mong totoo ang sinasabi ko, b*tch!" at aniya rito na sinulyapan ang bintana ng condo ni Mia.
Agad na nagsalubong ang dalawang kilay ni Mia. Saka inis na tinungo nito nga ang bintana. Binuksan nito iyon at dumungaw.
"You see the color black van there?! 'Yan ang kikidnap sa 'yo mamaya!" kaswal niyang sabi rito.
Halatang kinabahan agad si Mia. Nakita nga nito ang van na tinutukoy niya. At may takot na sa mukha nito na lumingon sa kaniya "How did you know?"
She shrugged as if it's nothing to matter. "Sabihin na lang natin accidentally?! I mean 'di sinasadya na narinig ko sila?"
Doon na nataranta at nahintakutan si Mia. "Oh, my Ghad! Dapat malaman 'to ni Daddy! Para bigyan niya ako ng maraming bodyguards! Aahhh, s**t!" Parang mababaliw agad ang dalaga na napasabunot sa ulo nito. "Where's my phone?" tapos ay taranta nitong kinalkal ang bag nito.
"Hey relax!" awat niya dito. Inagaw niya ang cellphone ng dalaga.
"How can I relax?! Damn it!" malakas na bulyaw ni Mia sa kanya.
She can't blame her. Lahat ng mayayamang anak ay ang mga kidnapper ang mas kinatatakutan nila. Dahil alam nilang uubusin lahat ng kidnapper ang pera nila. Mas kinakatakutan nila iyon keysa ang mamatay.
"Don't worry alam na 'to ng Dad mo. Siya ang una kong kinausap. Can't you get it? I'm here para sekretong kausapin ka. Para hindi makahalata ang mga kidnapper. At mahuli sila ng mga pulis na ngayon ay sekreto na ring mga nasa paligid."
"Really?!"
"Yeah!"
"Then what will I do?"
"Just cooperate. Lahat ng sasabihin ko ay susundin mo dahil bilin lahat 'to ng pulis."
Tumango ang dalagang takot na takot na. Kaya nakahinga na siya ng maluwang. Umaayon na ang lahat sa plano niya.
Saglit lang ay inilabas na niya ang damit na dala-dala niya kaninang palihim siyang pumasok sa condo ni Mia.
"Mamayang six o'clock ito ang isuot mo na damit."
"Ew! That's so baduy! Sorry pero hindi ako nagsusuot ng damit na ganyan! Duh!"
Napasinghap siya sa hangin. Sinadya naman talaga niyang simpleng dress lang ang isosuot nila para mas makagalaw siya ng maayos kapag siya na ang nasa piling ng mga kidnapper kid.
Yes! Iyon ang plano niya, ang ipain si Mia para makapasok siya sa mundo ng lalaking tumutulong sa Nanay niya. Ipapa-kidnap niya si Mia pero siya ang papalit.
"Pagtyagaan mo na lang, pwede? Remember utos ng mga pulis at ng Daddy mo 'to. Pasalamat ka nga at nagpagamit pa ako!"
Mia rolled her eyes. "Fine!" saka pahablot nitong kinuha iyon.
Napangiti siya. Uto-uto din pala ang Mia na ito.
Tapos ay may inabot din siyang isang botelya na kasingliit lang ng palad kapag nakatikom.
"Ano naman ito?"
"Hawakan mo 'yang mabuti. Ang plano kasi ay magpapa-kidnap ka raw talaga sa mga kidnapper."
"What!? No way!" protesta ni Mia.
"Makinig ka muna sa akin pwede?"
Tumahimik naman ang dalaga. Pero 'di na maipinta ang mukha nito.
"So, iyon na nga. Magpapa-kidnap ka sa kanila pero don't worry tactic lang 'yon ng mga pulis para mahuli ng akto ang mga kidnapper. Pagkaalis niyo pa lang ay nasa likod niyo ang mga pulis."
"Pumayag si Daddy sa plan na ito? Damn it!"
"Yap! Kaya wala kang dapat ipag-alala. Pinag-aralan na nilang mabuti ito bago nila ako pinapunta sa 'yo."
Hindi na umimik si Mia. Tinuloy na niya ang sinasabi. "Then kapag malayo na kayo pipindutin mo lang 'yang hawak mo na iyan. Maglalabas 'yan ng chemical na makakapatulog sa mga kidnapper mo. Kahit konting maamoy lang nila riyan ay kayang-kaya na silang patulugin."
Napatingin si Mia sa bottle spray na iyon. Kinabahan ito. At napansin niya iyon. Sana hindi magbago ang isip ni Mia. Cross finger!
"E'di pati ako makakatulog din?!"
"Of course! Syempre to the rescue agad naman sa 'yo ang mga pulis. Magtiwala ka sa mga pulis, Mia. Isipin mo na lang na gagawin mo 'to for the sake of your Dad. Dahil for sure kapag na-kidnap ka ay bilyon ang hihinging ransom sa Daddy mo kapalit mo. Sayang ang mga pinaghirapan ng Daddy mo 'pag nangyari iyon, 'di ba?! Kaya nga pumayag din ako na magpagamit dahil for sure pagkatapos mo ay pwedeng ako naman ag kikidnapin nila. Kaya bago mangyari 'yon ay dapat mahuli na sila ng mga pulis."
Tumingin lang si Mia sa kanya. Mukhang naniniwala na ito sa mga drama niya. Ngumiti siya rito. "I need to go. Remember kailangang isuot mo 'yang dress mamayang six at huwag mong kalimutan ang spray bottle na 'yan."
"Sige pero sure ka bang gumagana ito?"
"Oo naman. I'll get going pupunta pa ako sa Daddy mo para sabihing okay na sa 'yo ang lahat. Huwag kang lalabas hangga't hindi pa alas-sais. Naiintindihan mo ba?"
"Oo na sige!"
Lumabas na siya ng silid ni Mia na ngiting-ngiti. At nang makalayo siya sa unit ni Mia ay hinugot niya ang singsing niya at isinuot na hikaw at kinausap ang kanina pa naka-stand-by na tawag ni Jhie.
"Jhie, ano na?"
"Okay na, nakahanap na ako ng babaeng gagamit sa pangalan mo papuntang Italy."
"Good! Thank you so much, Jhie!" masayang sabi niya. Umaayon lahat talaga sa plano niya. Kagabi ay nagpaalam na siya sa Dad niya na magbabakasyon muna siya sa Italy. Pinayagan naman siya pero alam niyang sisiguraduhin pa rin ng Dad niya na aalis talaga siya. Kaya kailangang may record talaga na umalis siya paibang bansa. At 'yon ang trinabaho ni Jhie habang siya naman ay si Mia.
"Huwag kang mag-thank you! Wala naman akong magagawa basta ginusto mo!"
Natawa siya. "I owe you a lot, Jhie. The best ka talaga!"
"Heh! Basta ipangako mo sa 'kin na hindi ka papalpak. Na hindi tayo mabibisto ng Dad mo. Kundi patay tayo talaga sa kanya."
"Yeah, I know that. Don't worry."
"Eh si Mia? Nauto mo?"
"Oo naman. Ako pa. Mamayang six mangyayari na ang lahat."
"Haaaayyy! Ako ang ninerbyos sa 'yo!"
"Ikaw talaga. Huwag ka na kasing kape ng kape," biro niya sa kaibigan. "So, paano kita na lang tayo mamaya? Malinaw naman na sa 'yo ang instructions ko 'di ba?"
"Oo na! I-ga-guide ko muna itong impostora mo para makaalis na."
"Okay. Ako nama'y pupuntahan ko pa si Mr. Sy para kausapin din. Thanks, Jhie.
PASADO ALAS SAIS nakaset-up na lahat. Sout na niya ang damit na katulad ni Mia. At nasa kotse na sila ni Jhie na nag-aabang. Nasa pwesto sila na hindi sila mahahalata ng mga kidnapper.
Mayamaya pa'y kita na nila ang sasakyang kahina-hinala. 'Yung van na pinakita niya kay Mia kanina ay syempre props lang niya 'yon.
Naningkit ang mga mata niya at napangiti. Ilang sandali na lang ay mapapasok na niya ang mundo ng lalaking iyon.
"Naku sana hindi makalimutan ni Mia ang spray bottle!" ani Jhie na kabadung-kabado sa tabi niya. Oras kasi na makalimutan iyon ni Mia ay magiging palpak ang lahat.
"Tanga na lang siya kapag makakalimutan niya," wika niya na diretso ang tingin sa sasakyang sure niyang sasakyan ngayon ng mga kidnapper. "Padalhan mo na siya ng message," pagkuwa'y utos niya kay Jhie.
"Okay." Pinindot-pindot ni Jhie ang dala nitong laptop. Gumawa ng message ito na simpleng... MIA, TAKE CARE! NANDITO LANG KAMI SA LIKOD MO!..... Lalabas iyon sa cell phone ni Mia na galing sa Daddy nito kunwari para mas kapani-paniwala ang palabas. Then senend na iyon ni Jhie. "Done!" sambit ni Jhie sabay tiklop sa latop nito.
Nag-antay pa sila ng ilang minuto at lumabas na nga si Mia. And kodus to her dahil magaling palang umarte ang dalaga. Hindi mahahalata rito na may alam na sa kikidnap sa kanya.
Ini-start na niya ang makina ng kanyang kotse. Saglit pa'y kitang-kita na nga nila ni Jhie ang mabilis na paglabas ng dalawang lalaki sa kahina-hinalang kotse. Parang kisap mata lang na nakuha ng mga ito sa Mia. Ni hindi nakaalma ang mga security guard ng building! Ni walang nakahalata! Mga tanga!.........