Magkakatabi pa rin sina Rey, Faith at Don Savillano sa ginagawang puntod ni Aling Felisita. Sina Jomar at Jhie ay nasa medyo malayo. Nag-aantay sa susunod na mangyayari dahil tahimik pa rin ang mag-ama. Simula dumating ang mga ito ay hindi pa nagsalita. Ayaw naman nilang pangunahan. Wala na rin ang mga nakilibing. Unti-unting nagsialisan nang maihimlay na si Aling Felisita sa huli nitong hantungan. Kasama na ang ama ni Jhie na nakilibing din. Nagpaiwan lamang si Jhie para sa kaibigan. Nang sa wakas ay tumalikod na si Don Savillano at humakbang paalis sa kinatatayuan. Iniwan na nito sina Rey at Faith para makapag-usap ang dalawa. Nagtungo ito kina Jhie at Jomar. "Masaya ako at ligtas kayo." Unang bumasag sa katahimikan nila si Rey. Maririnig muna ang malalim na buntong- hininga ni Faith
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books