CHAPTER SIX
Chiaka
***
Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Miyu pero alam kong makakayanan nya rin yan at kahit na ano man ang nangyari at mangyayari sa kanya tanggap pa rin naming sya. Dahil sa ako ang pinaka maagang nagising naisipan ko munang magjogging,
Habang naglalakad lakad ako eh marami rami na ring student ang nakikita ko mga nakasuot sila na natural na uniform. Mahabang manggas, maikling palda na two inch above the knee at strip black and yellow tapos yung nect tie naman nila ganun din black and yellow ang lining. Cute. Yan lang ang masasabi ko. Busy ako sa paglalakad ng bigla naman akong may makabangga.
"Opps, sorry" sabi ko dun sa babaeng nakabangga ko.
"Okay lang di naman kasi ako tumitingin sa daanan" sabi nya at nakangiti sakin kaya naman napangiti din ako sa kanya
"Bago ka lang noh?" tanong nya sakin at nag nod ako "Sabi na nga ba! Bago kasi ang mukha mo sa paningin ko" sabi naman nya at nag nod naman ako.
"Naalala mo mukha ng bawat isa dito?" nag aalalang tanong ko at ngumiti sya sakin saka nagnod nanlaki naman ang mga mata ko "Di nga?" tanong ko ulit at nag nod naman ulit sya saka nya ako hinila sa may bench
"Im Asuka" sabi nya at inistrech nya naman ang kamay nya saka ko naman yun inabot at nakipag handshake
"Im Chieko but my friends call me Chiaka" pagpapakilala ko naman sa kanya. "Ah matanong ko lang paano mo naalala ang mga mukha ng bawat isa dito? Ang hirap kaya gawin nun" sabi nya sakin at napangiti naman sya, inabutan nanaman ako ng curiosity.
"I'm belong to Panmnesia Group" sabi nya sakin at kinataas naman ng kilay ko.
"Panmnesia?" di ko naman kasi magets ang sinasabi nya saka isa pa wala akong kaalam alam dito. Talagang wala na talaga ako sa normal na mundo.
"Panmnesia is the power to remember absolutely everything one thinks, feels, encounters, and experiences. Advanced variation of Enhanced Memory." Sagot naman nya sa tanong ko at napanganga ako. Fluent ah! Pero ano yung Enhanced Memory?
"Ano naman yung sinasabi mong Enhanced Memory?" tanong ko sa kanya. Parang mas nagiging excited ako sa mga malalaman ko dito.
"Enhanced Memory is the power to remember and recall experiences and events inhumanly well after miniscule degrees of experience" sagot naman nya sa tanong ko, abah naman ang talino naman ng isang to! "The user of that ability can remember and recall everything that they have ever experienced, encountered or learned in their lifetime. The user needs only to read, hear or see something once and they will never forget it. They continue to learn for the rest of their lives and their brain will simply compress neural synapses to contain it all, allowing memory of every event, experience or bit of knowledge from birth to the present. Their mind is also entirely immune to Memory Manipulation, unless the ability is first negated or stolen." Dagdag nya pa at nganga!
"Aaaah~"
Kahit napa nganga ako sa kanya feeling ko natandaan ko naman lahat ng sinabi nya, feeling ko lang naman at di naman ako sure, after nyang ipaliwanag sakin ang mga yun eh agad naman syag umalis kasi daw marami pa raw silang ireresearch ngayon sa club nila. May club din pala dito? Parang ang hirap iaccept sa utak na ganito ang nangyari saming pito!
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin o samin, hindi ko alam ang gagawin ko naiinis ako kasi di ko man lang malaman ang sagot! Journalist ako dapat magaling ako sa ganito pero ngayon parang nawala ata ang galing ko sa pagiging journalist ko sa school at naechapwera dito. Kay Asuka pa nga lang wala na ako eh pano pa kaya sa iba dito di ba? Wala naman akong kaalam alam dito! Tatayo na sana ako ng bigla na lang may lumapit saking kung sino.
"Excuse me? Ikaw si Ms. Chiaka di po ba?" magalang nyang tanong at napanod naman ako sa kanya. "Sumama ka po pinapatawag ka ng Principal" sabi nya naman at napalunok ako.
Well mukha naman syang mapagkakatiwalaan kaya okay lang ata? Di ko pa rin naman kasi sya kilala at ngayon lang ako sumama sa hindi ko kakilala, galing naman nagbabago na ako at pwede na tong ilagay sa book record! Di ako nagsasalita at sinundan ko lang naman sya at saka ko natagpuan ang sarili ko na nakatayo na sa harap nung principal. Teka pano yun? Ang lalo layo ko pa esti namin ah! Panong? Ay naku nakakaloka dito ah di ko na keri sa sobrang kawindangan na nararamdaman at nakikita ko.
"Good morning Chiaka" sabi nya sakin at nag nod lang ako, di ko ugaling bumati sa iba noh! "I want you to read this just once" sabi nya naman at saka nya nilapag sa mesa nya ang isang dangkal na folders
"Seryoso?" gulat kong tanong at nag nod naman sya "And then?" tanong ko pa sa kanya at ngumiti sya
"Nothing, just read it!" sabi nya at saka na umalis.
Hindi ko alam kung anong sumapi sakin pero parang kusa ata akong nagbasa at di ko namalayang alas sais na pala ng hapon and wow lang ah di man lang ako nag lunch kakabasa pano ba naman parang ayaw umalis ng mata at katawan ko sa pagkakabasa ko sa libro. Maganda ang laman nito pero nakakagulat kasi kahit gano ko man isipin na gusto ko ng matapos to pero hindi ko pa rin matapos and now finally tapos na rin ako sa wakas.
Mahigit walong oras din ako nagbasa at masakit talaga yun sa mata. Pagkatapos na pagkatapos kong basahin yun eh bigla namang lumitaw sa harapan ko yung Principal, siguro kung may sakit man ako sa puso eh mamamatay na ako sa ginawa ng lalaking to! Hindi ko alam pero parang ewan na pasulpot sulpot ang taong to.
"You can go now" sabi nya sakin habang nakangiti
"Anong purpose ng mga pinabasa mo sakin?" tanong ko at ngumiti naman sya sakin, kung di ko lang teacher to baka mamaya kung anong nagawa ko sa sobrang gwapo ngumiti kaso matanda na kaya no thanks!
"You'll know in the right time" sabi nya sakin at di na ako nagsalita pa.
Pagdating ko sa dorm naming agad naman akong napataas ng kilay dahil sa mga nakikita ko ngayon, nagkakagulo sila para silang may hinahanap na ewan. Anong meron?
"Anong meron?" tanong ko habang nakatingin sa kanila
"May hinahanap lang" sagot naman sa akin ni Miyu
"Ano?" tanong ko naman pero wala atang may balak sumagot
"Hindi ano kundi sino" sagot naman ni Jaja sakin at nag nod ako
"Sino?" tanong ko pa
"Si Chiaka, kung saan saan nagsusuot di man lang nagpaalam abah naman paggising na paggising ko wala na——-" hindi naman natuloy pa ni Rika ang sasabihin nya dahil napatingin sya sakin na nanlalaki ang mata saka nya naman ako hinarap "Oh my God! Akala ko ba naman eh ang hihina kumain eh kahit joke lang yun!"
"Saan ka ba nagpupunta ha? Bakit ba di ka man lang nagpapaalam?" tnaong ni Renji sakin
"Eh?" di ko alam kung anong isasagot ko pano ba naman inuulan nila ako ng tanong pano ko naman masasagot ang mga yun.
Kahit naiinis na ako sa sobrang dami nilang tanong eh nakakatuwa pa rin kasi nakikita kong nagke-care talaga sila, na hindi pwedeng mawala ako! Mas na fefeel ko pa ang ganito at mas gusto ko pa silang makasama kesa sa mga pinsan ko, maganda naman sila pero di naman hamak na mas maganda ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam pero napangiti na lang ako sa kanila!
Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari sa amin, nakakagulo naman talaga to ng utak ee. Yung akala mo ba naman na normal na buhay ay ganito pala? Nakakagulantang lang talaga, saka isa pa di naman ako sanay ng ganitp, I mean yung nabibigla. Pag nabibigla kasi ako nawawala ako sa sarili ko gaya na lang ng nangyayari sakin ngayon masyadong maraming naiisip, parang feeling ko ang weird ko na sa mga nangyayari ngayon.
Bumuntong hininga ako at saka tumayo at sinuot ang jacket wala naman atang masama kung lalabas lang muna ako saglit, tiningnan ko sila Miyu habang natutulog. Ang aamo talaga ng mukha ng mga to pero pag gising parang mga dragon na bumubuga ng apoy lalong lalo na tong si Jaja, napangiti na lang ako at saka lumabas ng dorm namin.
To be honest nakakatakot sa labas ng dorm na to ah pano ba naman wala man lang katao tao, kung sabagay pano naman magkakaroon ng tao dito eh nasa dorm lahat ng mga student dito. Di ko akalaing may nag eexist pala na ganitong pangyayari sa mundong to, pumunta ako sa dinning room at nagulat naman ako sa nakita ko kasabay ang pagtaas ng kilay ko.
Anong meron?
Party?
Pano ba naman ang daming pagkain na nasa mesa tapos may mga decoration pa, di ko alam kung anong nangyayari. Tumingin ako sa tarpaulin na nasa pinto.
"Congratulations Mimori Nanami"
Sino yun? Napailing na lang ako at aalis na sana ng marining ko ang mga usapan nilang lahat.
"She's pretty right?"
"Ano kaya ang ability nya noh?"
"Who knows? Balita ko di nya rin alam ang ability nya ee, well actually di lang sya pati yung mga kaibigan nya. So lame and shame di gaya natin na pumasok sa school na to na alam na ang ability, they are so useless"
"Mimori you're so mean"
Nag iinit ata ang dugo ko ngayon ee okay lang naman sakin na ako ang laitin or maliitin wag na wag lang nila yun gagawin sa mga kaibigan ko, lumapit ako sa kanya at saka ngumiti.
"Ganyan ka ba kaduwag di mo man lang kayang sabihin sa amin ng harapan ang gusto mong sabihin? Ow siguro di ka talaga malakas para naman kasing umaasa ka lang sa ability mo, wag ganun. Wag mong gamitin yan para gumanda ang posisyon mo, gamitin mo sa tama. Natawag ka pa man din na great student pero ang ugali mo di pang great oh well what would I expect? Grupo nga naman pala to ng mga mean girls too lame and shame" nakakainit talaga ng dugo ang babaeng to eh sarap sabunutan.
Oh plant user pala sya? Pano ko nalaman? Well may tumubo kasi sa kamay nya di ko alam sa sarili ko pero parang di ako nakakatanggap ng takot, di ko alam kung nagmamatigas lang ba ako o wala talaga akong nararamdaman.
"Gusto mo sakalin na kita gamit to?"
"Go ahead do whatever you want basta siguraduhin mo lang na mapapanatili mo pa rin ang sarili mo sa posisyon mo ngayon pagka napatay mo ko" at nagawa ko pang ngumiti ng nakakaloko naku naman ano bang nangyayari sakin? Saan ako nakakakuha ng lakas ng loob?
Napangiti na lang ako dahil di nya man lang ako magalaw galaw.
"Sa susunod kasi gamitin mo din ang utak ko di yung puro kayo panlalait, oh by the way dun sa sinabihan akong pretty thanks for that but I can't accept it. Mimori right?" then she nod "Wag mag mataas ah? Di porket nakatapos ka ng misyon magmamalaki ka na, di kailangan yun."
Pagkatapos kong sabihin yun ay bumalik na ako sa dorm at talaga naman oo nasa harap sila ng pinto, sinong sila? Sino pa ba edi ang buong tropa.
"Oh ano nanamang ginagawa nyo dito?" tanong ko sa kanila at tiningnan lang naman nila ako saka ako nagtaas ng kilay "Problema nyo?"
"Parang ikaw dapat ang tinatanong namin nyan ee" sabi ni Jusper
"Anong problema mo at nawawala ka na lang basta basta? Bakit di ka man lang nag papaalam? Hello Chiaka alam mo ba kung anong oras na? Madaling araw na pero nasa labas ka pa? Anong meron naman ngayon? Anong ginagawa mo sa labas" parang ewan talaga tong si Jaja kahit kelan, napailing na lang ako sa inasal nila.
"Wala nagpahangin lang ako" sabi ko saka ako pumasok sa kwarto namin at nagpahinga na. Nakakapagod ang araw ko ngayon at siguradong mas mapapagod ako bukas I mean mamaya pala.