CHAPTER THREE: Dream

2044 Words
CHAPTER THREE "Bakit kaya ganun noh? Hindi ko talaga maintindihan" pagmamaktol ni Jusper habang gumulong gulong sa sahig. Nandito kami ngayon sa kwarto ni Vinle at yung kwarto nya? Swear buong bahay na namin! Walangjo ang laki laki ng kwarto nya o sadyang maliit lang talaga ang bahay namin? Di naman kasi talaga kami ganun kayaman pero di din naman kami maikukumpara sa mga average people. Ang g**o g**o g**o, yung kwato nya may chandelier pa tapos may fire place then ang laki ng kama pag sinabi kong malaki as in sobrang laki talaga. "Manahimik ka nga muna jan Jusper baka masapak kita sa kaingayan mo" sabat naman ni Jaja, ayan nanaman mag uumpisa nanaman ang dalawang to in 3 2 1 "Wag ka ring makialam, buhay mo buhay mo?" asar naman na sagot ni Jusper. "Nakikialam ako kasi nasa isang lugar lang tayo at ang boses mo nakakasakit ng tenga" sabi naman ni Jaja. Sabi na nga ba at magbabangayan nanaman ang dalawang to, ano ba naman yang mga yan nakakapagod na sumawa kaya tiningnan na lang naming sila. Inabutan naman sila ni Renji ng kutsilyo tig isa sila, hindi lang sila ang nagulat kundi pati na rin kami. Bakit naman hindi? Kung kaibigan mong nagbibiruan lang mag away eh binigyan ng kaibigan mo din ng kutsilyo? Abah naman, nagpanic na kami ng bigla naman syang magsalita. "Kung di kayo kakatigil magpatayan na lang kayong dalawa" seryoso nyang sabi at napalunok naman kami ng laway. "Hehehe Joke lang yun Renji di ba Jaja?" sabi ni Jusper at inakbayan si Jaja siniko naman sya ni Jaja at saka awkward na ngumiti. "Hehehe oo nga Renji" Yan lang pala ang makakapagpatahimik sa kanila ee sa susunod gagawin ko rin yun, pero bago pa ako makisali sa kanila eh agad naman akong napaupo sa tabi at nag isip. Tiningnan ko silang lahat si Jaja at Jusper nag aaway muli napabuntong hininga naman sa kanila si Renji si Rika naman busy maghalungkat ng mga librong ewan dun sa shelf ni Vinle si Chiaka naman nagbabasa ng magazine, si Maya nandun nakahiga sa kama ni Vinle na pagkalaki laki samantalang si Vinle naman eh nakaupo malapit sa study table nya. Wala namang weird na nangyayari ganun pa rin naman sila. Inisip ko ang panaginip ko, hindi ko alam kung bakit pero parang saglit lang naman yun tapos paggising ko boom one week after na? magic lang ang peg? Naku naman nakakalito, ano pa kayang pwedeng mangyari bukod sa panaginip na yun? Napabuntong hininga na lang ako dahil wala akong maisip na matinong sagot sa mga tanong ko ang dami dami kong tanong na gustong masagot pero walang ni isa dun ang masagot sakin ngayon kahit katiting wala. Pagtayo na pagtayo ko may nakita agad akong puting liwanag ang akala ko ako lang ang nakakita nun pero akala ko lang pala yun dahil pati ang mga kaibigan ko nakita rin nila di man nila sabihin alam kong nakita din nila dahil sa kanilang expression, yung puting liwanag na nakita naming eh bumalot sa buong park at bigla na lang nawala ang mga taong yun. "Te-teka anong nangyayari?" natataranta at halatang natatakot na sabi ni Maya kaya naman agad syang nilapitan ni Renji. Kahit na basagulero yang si Renji mahal na mahal naman nya yang si Maya na kapatid nya, hindi ko alam kung nasan kami napalingon ako sa paligid lahat naman puti wala akong ibang nakikita para syang isang room na walang kalaman laman at puro puting pader lang ang nakikita. "Takte nasan ang mga taong nagtitinginan sa ingay natin?" sabi ni Jusper at natataranta na rin sya "Bakit biglang tumahimik?" dagdag pa nya. "Walang mangyayari kung magpapadala kayo sa takot ninyo" sabi samin ni Vinle. Napaclose fist na lang ako dahil sa nangyayari, natatakot ako oo pero sa lagay naming ngayon siguro kailangan ko munang tapangan kahit naman na alam ko sa sarili kong wala talaga akong katapang tapang sa sarili kong katawan. Takot ako alam ko yun pero kung kasama ko sila alam kong hindi nila ako papabayaan at alam kong nanjan lang sila para sakin kaya kailangan ko tatagan ang loob ko. "THE HELL" biglang sigaw ni Chiaka ng biglang may lumabas na pintuan sa harap nya. "Ano bang nangyayari?" tanong naman ni Rika at lahat kami umiling. Hindi naming alam ang sagot sa madami naming tanong. Bakit kami nandito? Anong lugar to? Bakit ganito ang lugar na to? Bakit nawala ang mga tao? Bakit kami na lang ang natira? Bakit? Bakit? Bakit? Ang dami ang daming bakit sa isip ko. "Ikaw na mauna jan Jaja tutal ikaw naman ang mukhang halimaw satin dito eh" sabi ni Jusper na ikinainit naman ng ulo ni Jaja. "Manahimik ka jan tingting baka gusto mong itulak kita jan para ikaw ang mauna" pananakot naman ni Jaja at natahimik naman sya, alam nya kasi ang ugali ni Jaja. Once na sinabi na nya ibig sabihin wala ng bawian. Dahil sa walang nagawa eh ako na lang ang nagbukas ng pinto habang lahat sila busy sa likod ko na nagtatalo kung sino ang bubukas at mauuna samin. "Guys may hagdan pababa oh" sabi ko habang nakatingin sa baba.   Madilim sya pero may dalawang sulong nakailaw kaya naman nakita ko na may hagdan, lahat sila napatingin sakin at nagmadaling lumapit. Umapak ako sa unang baitang ng hakbang at bigla namang umilaw I mean nasindihan ang isa pang sulo. "WHAT THE f**k" sabi ni Renji sa gulat. Pababa kami ngayon sa hagdan na nakita naming at nung makarating kami sa pinaka baba may isa pang pinto kami na nakita nung binuksan ko sya halos mapanganga ako sa nakita ko. "s**t" dinig kong sabi ni Vinle Sa sobrang taas ng hagdan eh malabong marating naming yun baka nasa kalagitnaan pa lang kami pagod na kami sa sobrang haba ng hagdan pero dahil wala naman kaming magawa kaya naman nagpatuloy na kami hanggang sa maabot naming ang pinaka dulo ng hagdan. "Napapagod na ako" sabi ni Chiaka habang nakasandal sa pader.  "Ikaw lang ba ako rin" sabat naman ni Jusper at napaupo. "Bakit ba parang physically pagod tayo? Dream lang naman ata to eh! Lucid dreaming" sabi ni Renji at sinang ayunan kami. Taba baka isa lang tong klase ng mga panaginip ang kaso nga lang eh bakit ganun? Bakit parang pagod kami physically? Ang alam ko di kami napapagod eh! Saka damang dama ko ang pagod. "Baka naman mamaya hagdan nanaman ang nasa loob nito, bakit ba kasi ang daming hagdan dito eh!" inis na sabi ni Jusper. "Wag na tayong mag reklamo, pasok na lang tayo wala naman tayong gagawin dito eh, isipin nyo nal ang way to para makalabas tayo" sabi samin ni Maya at nag nod naman kami.  Tama si Maya di dapat matakot pero nung tiningnan ko sya di ko alam pero nakikita ko sa mukha nya na natatakot talaga sya, lumapit ako kaya Maya at saka pinat ang balikat nya at ngumiti. Ngumiti din naman sya sakin. "Tara na" yaya samin ni Rika at nag nod naman kami. Pagpasok naming eh agad naman namin agad saming sumalubong ang isang lalaki na nakaupo at nakatukod ang siko nya saka sinasalo ng palad nya ang baba nya. "Miyu, Chiaki, Maya, Jaja, Renji, Jusper, Rika, Vinle" nagulat kami sa pagbanggit nya ng pangalan naming, wala naman kasi kaming sinabi kung pangalan naming tapo ngayon? "I know maraming g**o sa isip nyo pero isa lang ang masasabi ko sa inyo" sabi nya pa at napalunok naman kami "Welcome to my school" sabi nya. Magtatanong na sana ako ng bigla na lang lumiwanag ulit at ayun nagising na lang ako bigla na nasa isa na akong puting kwarto to be specific na sa hospital na ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa mundong to, ano naman kayang meaning nun ? saka isa pa ano daw sabi nya? School? Wala pa nga kami ineenrollan na school tapos tanggap agad kami sa school nya? Oh my ghad! "Hoy kayo bakit ba ang tahimik nyo?" agad na sabi ni Jaja sabay tinuro kami. "Ang ingay nyo kasi di kami makasingit" sabat naman ni Maya "Wahahahaha kawawa ka Jaja binabara ka na ni Maya hahahaha" pang aasar pa ni Jusper pero sumeryoso din ang mukha nya "Pero di talaga maalis sa isip ko ang nangyari satin" dagdag pa nya na tinanguan naming bilang pagsang ayon. "Lahat naman tayo! The hell, magkaroon ba naman tayo ng pare parehas na panaginip? Sino bang di mababaliw kakaisip nun" naasar na sabi ni Renji "Ang pinagtataka ko parang hindi sya panaginip, parang totoo ang feeling ko noon." Sabi samin ni Chiaka. Tama sya ang nafefeel namin nung time na yun eh parang totoo, panaginip nga lang ba yun o baka mamaya nyan totoo na pala yun. No Miyu, that's imposible. Everyone see you and your friends body unconscious. Kung unconscious kami that time eh bakit parang feeling namin parang totoo talaga? "Kung tanungin kaya natin magulang natin eh noh? Nagpapakahirap pa tayo dito kakaisip nagumumukha lang tayong mga tanga" sabi ni Renji at akmang bubuksan na ang pinto. "Pagsinabi mo sa tingin mo makakatulong kaya yan? Baka nga mas lalong makadagdag pa yan sa problema natin ngayon eh! Bakit? Kasi mag aalala sila satin then what pag nagkasakit sila sa pag aalala kargo de konsensya pa natin" sabi naman ni Vinle at nag nod naman kami. "Siguro mas okay na wag na lang muna nating sabihin sa kanila hanggat hindi natin alam kung ano talaga ang ibig sabihin ng mga nangyari satin" sabi naman ni Rika "Rika is right, we cant say those things without any evidence" sabi ko naman at tumingin sila sakin "What? Am I wrong?" taas kilay kong tanong then umiling naman sila. "Hey guys do you know who is she?" tanong ni Jusper sabay turo sa likod ko, bigla naman akong nangilabot. "Come on Jusper don't be silly. Wag kang mag joke ng ganyan" sabi ko na medyo nauutal utal na. Bakit di ako mauutal? Wala naman kasing tao sa likod ko then may tinuturo sya, shet di ko alam kung nagbibiro ba tong lalaking to o hindi eh! Waaaah wag naman sana totoo ang sinabi nya, lumingon ako pakonti konti sa likod ko then nakahinga naman ako ng maluwag nung wala akong nakita. "You scared me!" sabi ni Jaja saka hinampas si Jusper "Hey are you okay?" tanong nya dahil nakatingin pa rin sakin si Jusper no di pala sakin sa likod ko. "Im not joking, I can see her. She's tall I think 5'4 is her height, she had a long and black straight her, her face is full of boold, her eyes is full of regret  and" kinikilabutan na talaga ako sa sinasabi ni Jusper "And?" sabay sabay naming sabi then napalunok na lang ako. "Joke hahahahahahaha" nabato kami bigla nung bigla na lang syang tumawa and the next thing I knew binubugbog na nila si Jusper Akala ko talaga totoo ang nakita ni Jusper, ghad! How I really hate ghost, baka mamaya di na ako makatulog kung saka sakaling hindi ako makakakita. Napabuntong hininga na lang ako tapos biglang nanlamig ang kaliwang balikat ko kaya naman bigla akong kinilabutan, unti unti akong lumingon pero wala naman akong nakita. Siguro dahil guni guni ko lang yun. "So guys what should we do now?" tanong ni Vinle at napakibit balikat na lang kami Wala kaming maisip na magandang gawin na magiging soluyons sa problema namin, halos lahat kami walang alam I mean di alam ang gagawin. Pumunta ako sa verdana para makita ang nasa labas at ikinamangha ko naman ang nakita ko, wow this is heaven! Mula dito sa kwarto ni Vinle eh nakita naming ang garden na nasa baba, ang ganda! Parang no what I mean is hudge na talaga sya ng mga rose. May red, pink, white and then sa center nun may blue. Ang ganda sobra. "Wow!" biglang sabi ng nasa tabi ko pero nagulat ako kasi walang tao. Agad agad akong pumasok dahil sa pananayo ng balahibo ko at pagpasok ko nakita ko sila agad naman akong lumapit kay Vinle at saka may binulong. "Yung totoo nabasbasan na ba ang bahay na to?" tanong ko at nagulat naman sya saka natawa kaya naman napatingin kami sa kanya "Guys guys guys! Bat ba kayo natatakot? Walang multo or something dito sa bahay" sabi nya at nag nod naman kami Medyo napagaan ang paghinga ko dahil sa sinabi nya samin, buti naman dahil ayaw ko pang mawalan ng dugo sa mukha pag nakakita ako ng multo abah mamaya naman nito mapunta lahat ng dugo ko sa paa ko dahil sa sobrang takot. Pero iba talaga ng nafefeel ko dito. ———————————————- "Ano ng gagawin natin? Nagpakawala na sya ng liwanag kaya ibig sabihin may napili nanaman sya" "Wala naman tayong magagawa kung sino man ang makuha nila eh" "Pero ayoko sila magaya sa nangyari satin"   "lahat naman tayo takot sa mangyayari pero ano namang magagawa natin di ba? Kahit ayaw natin involve pa rin sila rito" "Kung sabagay" "Nasa dugo kasi" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD