Chapter Four
Miyu
*****
Busy kaming lahat sa paghahanda para sa graduation namin bukas and thank God nakahanap na rin kami ng school na papasukan for high school at dahil ayaw naming magkahiwa hiwalay nagsama sama pa rin kami sa isang school. Maraming school ang inapplyan naming pero isa lang ang nakakuha ng atensyon naming at lahat kami napagdesisyonan naming dun mag aral.
"Miyu pakuha nga ng mga papers na nasa drawer" utos sakin ni Jaja habang nagtatype ng speech nya.
Kahit na makulit, palabiro, madaldal yang babaeng yan sya pa rin ang valedictorian samin at ako? Salutatorian lang, di naman kasi ako ganun katalino. Masipag lang talaga ako kaya ganun. Kinuha ko sa draw ang papers na sinasabi nya at saka inabot to sa kanya agad nya namang kinuha at nagpasalamat. Nandito kami ngayon sa private room namin, simula nung nabuo ang grupo namin naghanap na kami lagi ng matatambayan at dahil anak naman tong si Jaja ng may ari ng school nagrecommend sya na gamitin ang room na to dahil hindi pa naman daw to nagagamit so ayun nilinis namin to at ginawang tambayan.
Sabi ni Jia ang nakakababatang kapatid ni Jaja eh sila na daw ang bahala dito next year, mas lalo pa daw nilang papagandahin pero wala silang aalisin. May mga kalokohan kasing naisip tong mga to kaya naman ayun. Kapag gagraduate na ang mga gumagamit ng room na ito kailangan humanap sila ng mga taong mapagkakatiwalaan nila at mag aalaga sa room na to! At napag isip isip din nila na kapag gagraduate na eh magpipicture silang grupo then ipapaframe nila at ilalagay nila sa ibabaw ng mesa na mahaba sa gilid.
"Wala ka nanaman sa earth, Miyu" sabi sakin ni Jaja at napangiti naman ako sa kanya "Anong nasa isip mo?" tanong nya sakin at tumingin naman ako sa kanya.
"Naisip ko lang ang dami pala nating memory sa room na to noh?" sabi ko at napangiti naman sya sakin
"Yeah! Dito ba naman tayo magkulitan, magkopyahan, magkwentuhan, mag-away at kung ano ano pa! Parang ang hirap iwan ng room na to noh?" sabi nya at nag nod naman ako
"Parang may magnet na pumipigil saking umalis" sabi ko naman at naupo na rin
"Tapos mo na speech mo?" tanong nya sakin at nag nod naman ako
"Waaaaah ang daya daya mo talaga Miyu"
"At bakit naman? Kasalanan ko bang wala kang ibang inatupag kundi manood ng T.V, magbasa ng mga fasion magazine, maglaro ng chess?" sabi ko at nag pout naman sya "Wag mo sakin magamit gamit yan! Dalian mo na ipapasa pa natin yang speech mo" sabi ko at nagmake face naman sya.
Wala naman syang ibang nagawa kundi sundin ako at makaraan ang thirty minutes nagulat na lang ako ng bigla na lang may sumigaw
"Si Jusper yun ah" agad na sabi ni Jaja.
"Abah magaling narecognize mo agad boses nya" pang aasar ko sa kanya at napatingin naman sya sakin
"What do you mean?" tanong nya at natawa naman ako.
"Wala, baka mamaya may ginawa na namang kalokohan ang lalaking yun kaya napasigaw o baka hinabol na naman ng mga babaeng baliw na baliw sa kanya" natatawa kong sabi at tumawa din naman sya.
"Sana nga hinabol sya tapos marape sya hahahahaha" yung tawa nya di natural na tawa eh! Parang demon ata ang tawa nya
"Creepy" sabi ko at inirapan naman nya ako saka pinagpatuloy ang ginagawa nya
"Bakit kasi ayaw ako tulungan ni Mama dito eh! Sya ang magaling sa pagcompose ng mga ganito" naasar nyang sabi kaya naman napailing ako sa kanya.
"Puro ka asa Jaja, wala kang mapapala sa buhay mo kung aasa ka na lang ng aasa! Kung kaya mo bakit di mo gawin mag isa di ba? Saka alam naman nating di lang tayo ang busy ngayon, kung busy tayo ngayon pano pa ang Mama mo di ba?" sabi ko at nakatingin lang sya sakin.
"Hahahaha ewan ko sayo Miyu, sarap mo talagang sabihan ng ganun eh noh? Don't worry di ko naman ugaling magpatulong kay Mama at alam mo yan! Nagbibiro lang naman ako eh niseryoso mo naman" sabi nya sakin at napailing na lang ako "Ah nga pala Miyu anong balak mong salihang club pag high school natin?" tanong nya sakin.
"Ako? Hmmm~ wala pa akong naiisip eh" sabi ko sa kanya
"Ah~ I see" sabi nya naman at napatayo sya.
"San ka pupunta? Tapos ka na?" tanong ko at nag nod naman sya
"Tara Miyu, kain na tayo ako ay gutom na gutom na dahil dito sa speech na to, abah naman sakit sa ulo ng mga ginagawa ko" sabi nya at natawa naman ako.
"Baliw anong sakit sa ulo eh wala ka pa nga ata sa kalahati eh" natatawa kong sabi at saka tuluyang napatawa.
Naghintay lang kami sa loob ng room ng wala namang dumadating, ano ba naman yan sabi nila susunod na lang daw sila pero ngayon one hour na pero wala pa rin sila. Ano na ba ang nangyari dun? Tatayo na sana ako para yayain si Jaja na lumabas ng bigla na lang
"HOY DALIAN NYO BILIS!" sigaw samin ni Renji na ikinagulat naman naming.
"Bakit?" tanong ko at pumasok sya para hilain kami.
"Wala ng bakit bakit putek naman oh" sabi nya pa at hinila kami papalabas ng kwarto.
Huminto na lang kami sa harap ng Principal's Office? Ano namang ginagawa naming dito? Magtatanong na lang sana ako ng bigla na lang buksan ni Renji ang pinto at
"Oh anong ginagawa nyo dito?" agad na tanong ni Jaja habang papasok kaya naman pumasok na rin ako.
"Hindi kayo maniniwala sa balita" sabi ni Jusper at
"Kung ikaw magsasabi hindi talaga ako maniniwala, kelan ba kami naniwala sayo pagdating sa ganyan ha?" pang aasar naman ni Jaja
"Wag ka munang mang asar jan Jaja seryoso to" sabi naman ni Jusper
Okay? Anong meron? Bakit parang ang seseryoso ng mukha nila? May nangyari ba? Ano ba naman to bakit ko ba tinatanong ang sarili ko eh di ko naman alam ang sagot kaya pano ko masasagot ang sarili ko. Lumapit ako sa kanila at naupo din dun sa sofa na inuupuan nila, kaharap naming ngayon ang mama ni Jaja which is the Principal.
"Shut up na kasi Jusper hayaan mo si tita ang magsabi sa kanila" saway ni Rika at natahimik naman sya
"You are enrolled at one of the most secret and prestigious international school" direct nyang sabi samin and we just like
O___________O
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH" sigaw naming ni Jaja
We cant believe it! We? As in WE? Yung lahat kami? Nakangiti lang silang tinitingnan ang expression naming na akala mo ay nakaget over na sa shockness nila kanina.
"Mama di ka nagbibiro?" tanong ni Jaja at umiling naman si Tita at "Oh my ghad!" sabi pa nya at pinaypayan nya ang sarili nya gamit ang kamay nya "I cant take it" sabi nya pa at natawa naman kami.
"Ah may di pa pala ako nasasabi, mamaya pag uwi nyo mag impaki na kayo ng mga bagay na kailangan nyong dalhin dahil ang school na yun ay dorm school so hindi pwedeng lumabas ang mga student depende na lang kung kailangan talaga! And you'll go to that school after graduation" sabi nya pa at lahat kami hindi makapagsalita
Dorm school? Pano na yan? Di ko na ba makikita ang kapatid at mama? Sama mo na rin si papa. Nagkatinginan kami at parang nag usap usap ang mata naming saka nagngitian.
"Okay po" sagot namin
Alam naming mahirap ang maging isa sa dorm student pero okay lang naman samin kasi sama sama pa rin naman kami at wala pa rin namang pinagbago. Tumayo na kami at nagpaalam na lalabas na saka paglabas naming eh napaupo na lang kami bigla sa sahig.
"Is this a dream?" tanong ni Chiaka.
"Dream again? Pare parehas nanaman tayo?" sabi ni Jaja na naging dahilan ng pagtahimik naming.
"Grabe di ko aakalaing ganun kasurprise yun, akala ko yung sigaw ko kanina ang last na pagkagulat ko pero mas lalo ata akong nagulat kanina dun sa last na sinabi ni tita" sabi pa ni Jusper
"So sumigaw ka di dahil sa hinahabol ka ng mga babaeng patay na patay sayo?" tanong ko at nag nod naman sya
Tumayo na lang kami at dumeretso sa ground para tumulong at least dito magiging busy kami, baka kasi ito na ang last na tutungtong kami dito sa school na to. No! di pa pala last ngayon dahil meron pang bukas, di ko alam pero bakit parang bongga ata ang graduation ngayon, last year katulong din kami sa pag aayos pero wala naman kaming decoration na ginamit pero ngayon abah may red carpet din at mga red na lobo na nalipad.
"Bakit kaya ganito? Parang handang handa" sabi ni Renji at nagkibit balikat kami, sa di din naming alam eh.
"Sabi kasi ng Principal ngayon daw ang graduation ng anak nya kaya gusto nyang maging bongga to saka isa pa daw kasama nya daw gagraduate ang mga true friend ng anak nya kaya gusto nyang gawin to" nakangiting sabi samin ni ate Aivy ang isa sa fresh graduate teacher.
"Para talagang ewan si Mama" naiiyak na sabi ni Jaja
"Ayiiee iiyak na yan! Iiyak na yan!" pang aasar pa ni Jusper.
"Baliw pano ako iiyak kung ginagawa mo yan! Kaasar ka talaga" sabi pa ni Jaja at hinabol si Jusper
Natatawa na lang kami habang nakikita namin silang naghahabulan, kung di lang naming alam na magkadugo ang dalawang to baka naisip naming pwede silang maging sila. Magpinsan kasi ang dalawang yan di nga lang buo, napailing na lang ako nung makita kong nahabol ni Jaja si Jusper at binatok batukan.
***
"Come on Ate Miyu wake up" sabi nung batang boses na narinig ko habang nararamdaman kong para akong muuga "Ate Miyu naman, graduation mo ngayon di ba?" sabi nya pa
Bigla na lang ako nagising nung sinabi nya yun at nakita ko syang nakangiti, tong kapatid ko talaga alam na alam kung pano ako gigisingin. Nag good morning ako sa kanya at nag good morning din naman sya sakin, grabe napuyat ako kagabi sa pag iimpaki, nung makauwi ako dito sa bahay agad kong pinabasa kila Mama at papa ang paper na binigay sakin ni tita at kita sa mata nila ang sobrang gulat at nung nalaman naman ng kapatid ko na di ako uuwi ayun nag iiyak pero at the end napakiusapan naman. Naligo na ako at nagbihis ng dress na design ni Rika at tinahi ni Maya.
Parehas parehas kami ng mga dress iba iba nga lang ng design, ang galing talaga ni Rika magdesign ng mga damit. Pumayag naman kasi si tita sa request naming na kung pwede wag na lang uniform ang suutin kundi formal dress na lang.
"Ate you look so beautiful" sabi sakin ng kapatid ko saka ako niyakap mula sa likod
"Thanks" sagot ko at ginulo ang buhok nya
"Kain ka na muna Miyu" sabi sakin ni mama at pumunta na ako sa mesa
"Mama naman pag ako naparami ng kain bahala ka di sakin makakasya tong suot ko" sabi ko sa kanya at natawa naman sya
"Suot mo na naman yan Miyu di ibig sabihin pag sumikip na tigil kain na hahaha" sabi naman ni papa at nag pout na lang ako
Pagkatapos naming kumain agad naman kaming umalis sa bahay at pagdating naming sa school ayun naglakad na kami sa red carpet halos lahat nakatingin samin, ewan ko lang kung bakit! Alam ko namang di ako ganun kaganda di gaya nila Jaja. Pagdating naming sa dulo ng red carpet pinictureran kaming magpapamilya and then pumunta na ako sa seat ng mga graduate. Habang naglalakad ako pinagtitinginan pa rin ako, ano bang meron sa mukha ko?
"WAAAAAAH MIYUUUU~ ANG GANDA MOOOO~" sigaw ni Jaja habang tumatakbo at nung makarating sya sakin agad naman nya akong niyakap
"Haha thank you" sagot ko naman sa kanya
"Nag evolve ka Miyu ah! Hindi naming akalaing may ganyan kang ganda na tinatago" sabi ni Vinle na sinang-ayunan naman nila
Nung makaupo na kami sa upuan naming agad namang nag start ang ceremony at ayun na nga valedictorian speech na and then nung matapos tinawag na rin nila ako para sa salutatorian at nung matapos na halos mapaiyak na ang lahat lalo na kami.
"Pano ba yan last na apak na natin dito" naiiyak na sabi ni Chiaka
"Ang daming memorize dito, dapat pag nakalabas tayo sa school kahit isa man satin isa dito dapat ang unang puntahan tong school na to ah" sabi naman ni Rika at nag nod naman kami.
Nakaalis na silang lahat kami na lang ang natira dito sa school kasama nung mga nag aayos ng mga ginamit sa graduation, nakita namin sila mama na nasa labas na ng school. Kompleto ang pamilya naming kaya naman pumunta na rin kami sa kanila at nakangiti silang niyakap. Ayaw naman naming umiyak sa harap nila eh! Agad kaming sumakay sa kotse at hinatid na nila kami sa school.
"Sa loob ng gubat?" takang tanong ni Maya at napatingin kami sa labas
Nung parang nasa kalagitnaan kami biglang tumigil ang kotse at lumabas naman kami saka isang malaking gusali ang bumungad samin halos mapanganga na lang kami, tumingin kami sa likod nagulat na lang kami nung makita naming wala ang kotse nila mama halos magpanic na kami nun at nung umandar nama nang engine ng kotse na ginamit namin eh pumunta kami sa driver's window at
"WHAT THE HELL" sigaw ni ni Renji
Wala naman kasing tao sa loob mas lalo na lang kaming nagulat nung bigla itong umandar kaya naman nastock lang kami sa kinatatayuan naming.
"Excuse me? Anong ginagawa nyo dito?" tanong nung isang babae at "Oh~ student?" tanong nya ulit at nag nod kami. Maganda sya sobra "Yung pass card nyo paki ready" sabi nya pa at agad naming kinuha ang pass card
Pagpasok namin....