CHAPTER THIRTY TWO Jusper *** Nadito kaming lahat ngayon sa kwarto nila lolo. Kaming SL, sila lolo tapos si Shana at Makoto. Hindi namin kasama sila Kesha at Akiko dahil hindi pa ganun katibay ang tiwala namin sa kanilang dalawa dahil pwede pa rin nila kaming traydorin kagaya nung ginawa ni Jordan sa school, pero sana naman wag na ulit mangyari yun. May sasabihin daw kasi si Maya na napaka importante kaya naman lahat kami ay nacurious tungkol pa naman to dun sa Phantom War kaya mas nakakataas ng tension. "Ano bang sasabihin mo Maya?" Panimula ni lolo January at napalunok naman si Maya "Kanina po kasi habang nagdidiscuss po si Lola eh parang may sumabunot sakin na naging dahilan para mapatingin ako sa kisame at kasabay po nun eh may nakita ako" Lahat kami nagtaka I mean kaming SL lang