CHAPTER THIRTY THREE Rika ***** Pagkatapos ng reunion namin na yun ay nagsipuntahan na kami sa kanya kanya namin kwarto, kahit na di kami nakatira dito eh may kwarto pa rin kami. Agad akong nakatulog at di namalayang umaga na sa sobrang kapaguran, binigyan kami nila lola ng one week para makapagpahinga at makipag bonding sa pamilya. Bumaba ako at nakita ko naman silang lahat na naghahanda ng breakfast, tulog pa ata sila mama eh five pa lang kasi ng umaga. "Good morning Rika" sabi nila at ngumiti naman ako "Good morning guys, mukhang napagod sila mommy kahapon ah" pabiro kong sabi at nag agree naman sila. Naghanda kami ng breakfast at maya maya naman ay umingay ang bahay, gising na ang mga bata. Agad kong nakita ang mukha nila na nakangiti samin. "Ang aga mo na magising ate Jaja ah!