Kabanata 25 Gusto kong magsalita ngunit ano nga ba ang dapat na maging reaksiyon ko. Base sa mga binibitiwan niyang mga salita ay may lihim na itinatago sa akin si Zairan. Hindi ko man masiguro ang nais na kahulugan ng kanyang sinabi ngunit iyon ang nararamdaman ko. May tiwala ako kay Zairan ngunit hindi ito buong-buo at aminado ako ro'n. "Itinakda ka ni Luna, Jeorgie. Panindigan mo sana hanggang sa huling hininga mo." Napalunok ako sa narinig ko at napayuko. Aminado ako no'ng una ay ayaw kong tanggapin ang lahat ng ito. Ngunit simula nang mahalin ko si Zairan ay napagtanto kong may rason kung bakit ako nandito. Kung bakit narito ang ate Catherine at ang kaibigan kong si Yana. Pare-pareho kaming pinili ni Luna. "Ah! Don La Luz De Vermont! Nakikiusap ako sa inyo!" malakas na pagsusumam