Kabanata 27 "Kuya tama na!" awat nito. Ngunit bingi si Zairan at halos tumilapon ang dalawa sa isang tabig lang ng kamay nito. Tanging pag-iyak na lamang ang nagawa ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Bigla namang dumating din ang señorito Steffano at hinawakan si Zairan sa kanyang balikat. Maging ang señorito Steffano ay nagbago rin ng anyo at napabagsak si Zairan gamit lamang ang isang malakas na suntok sa sikmura nito. Tuluyang nakawala si Eiran sa pagkakasakal ni Zairan. "Hangal!" singhal ng señorito Steffano kay Zairan. "Pinatay niyo ang kapatid ko!" Bago pa man makalapit si Eiran sa kanila ay tumilapon na ito sa malayo. Sa lakas nang pagtulak ng señorita Cereina sa kanya ay hindi ito agad nakabangon. Napapatulala ako sa mga nasaksihan ko. Bumalik si Zairan sa dati