Kabanata 28 "Bakit bigla po kayong tumanda 'nay? Bakit ang dami niyong puting buhok? Nagpakulay ho ba kayo?" taka ko pang tanong. Nagkatinginan naman silang dalawa. "Kunin mo muna itong baso Ericka," utos pa ng inay Lucinda. Kinuha naman nito ang baso. "Ericka!?" sambit ko. Napaawang ang aking bibig. "Aray!" daing naman ng dalagitang tinawag ng inay Lucinda bilang si Ericka. Nakaapak ito ng matulis na bagay dahilan para tumulo ng konti ang dugo nito sa sahig. Namilog ang aking mga mata at mas lalo akong nauhaw. Natabig ko agad ang inay Lucinda. "Diyos ko Jeorgie! Huwag!" sigaw pa ng inay Lucinda. Ngunit bago pa man ako makalapit kay Ericka ay lumitaw sa harapan ko si Zairan. Kinabig niya ako sa aking baywang at inilayo kay Ericka. "Ano ba!? Bitiwan mo ako! Ano ba!? Nauuhaw na ak