Kabanata 29 "Ano ba talaga ang nais mo Jeorgie?" Mapait akong napangiti. "Ang mabigyan ng hustisya si Beth," sagot ko. "Anak, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kailangang mabigyan mo ng hustisya ang lahat ng bagay. Matuto kang magpatawad Jeorgie. Siguro'y may mabigat pa na dahilan kung bakit gano'n ang señorito Zairan." Napahikbi ako. "Siguro nga po," sagot ko na lamang. "Magpahinga na po kayo 'nay." Humalik naman ito sa aking noo. "Magkakabati rin kayo Jeorgie," aniya. Ngumiti lamang ako. Tumayo na ito at lumabas na ng silid. Nag-angat ako ng aking ulo at pinagmasdan ang buwan. Tama nga bang hanapin ko pa ang hustisya para kay Beth? Tama bang isugal ko ang sarili kong nobyo? Naguguluhan na ako. Hanggang magbukang-liwayway ay dilat pa rin ang aking mga mata. Hindi ako na