Huling Kabanata "Nasaan ang kunsensiya mo!? Pagkatapos mong paghintayin sa altar ang kapatid ko'y iiwanan mo siya na para bang wala kang pananagutan!" Umawang ang aking bibig at napabaling kay Zairan. Igting lang ang kanyang panga at kuyom ang mga kamao. "Bakit hindi mo sabihin kay Jeorgie ang totoo!? 'Di ba't pakakasalan mo sana ang kapatid kong si Betty? Pero anong nangyari? Dahil sa biglaang paglabas ng propesiya at ang itinakda ay biglang nabago ang lahat! Iniwan mo ang kapatid ko sa ere nang dahil sa kanya!" Nag-unahan sa pagbagsak ang aking mga luha sa mata. "Ano Jeorgie? Nagulat ka ba? Nobya niya ang kapatid ko!" Natutop ko ang aking bibig. Ayaw kong maniwala! Natawa naman si Beth. "Siguro'y nagtataka ka kung bakit naging magpinsan tayo. Simple lang, pinatay ko ang totoong pi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books