Kabanata 20 Lumipas ang oras at sumapit na ng tuluyan ang gabi. Gaya nga ng hiling ko ay sa bahay ako nila Kanor natulog. Pinagamit niya ang silid niya sa akin dahil sa sala na lamang daw siya matutulog. Maayos naman ang naging pagtrato ng pamilya ni Kanor sa akin at 'di ko maitatangging mabuti silang tao. Kaya heto ako ngayon sa silid ni Kanor. Hindi man kutson gaya no'ng nasa mansiyon pero ayos na rin dahil kumportable naman ako. Nahikab pa ako matapos ay nagdasal bago tuluyang humiga. Bigla akong nagising dahil sa kakaiba yata ang hinihigaan ko—buhanginan. Napabangon ako at nagtataka kung bakit napadpad ako sa lihim na lugar ni Zairan. Tanaw ko mula sa puwesto ko ang kanyang silid kaya tuluyan akong napatayo. Nasapo ko ang aking dibdib dahil bigla na lamang ako nakaramdam ng matindin