Kabanata 21 "Ate gising na po," wika ni Ericka habang niyuyugyog nito ang aking balikat. Napaungol ako at napadilat saka napabaling kay Ericka. Ngumiti naman ito sa akin. "Ericka?" gulat ko pang sambit. "Kain na po tayo ate," yaya pa nito. "Ha?" taka ko pang sambit. Kumunot ang aking noo at napababa sa aking kama. Diretso ako sa harapan ng salamin. Kinapa ko ang aking ulo at maging ang aking katawan. Wala akong natamong ano mang sugat sa katawan. Natampal ko ang aking noo. Panaginip ba iyon o totoong may nangyari sa amin kagabi ni Zairan. Si Zairan! Napalabas ako agad sa aking silid at nang umabot ako sa sala ay natigilan ako. Si Zairan, kasama si Shaurine. Agad na sumama ang aking pakiramdam. "Jeorgie, kumain ka na." Napabaling ako kay inay Lucinda. Natulala ako at hindi ako ma