Edelweiss’ Point of View Mula sa tore ay kitang-kita ko ang lahat ng pangyayari kung saan naroon si Solana. Bumaba siya at nakipag-usap sa asawa ng prinsesa. Sumunod na eksena ay nakipalaban siya sa isang lalaki na isang lalaki na triple ang laki sa kaniya. Mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko halos masundan. Bukod kasi sa distansya nila mula sa mataas na tore na aming kinalalagyan ay mabilis din ang kanilang kilos. Parang kidlat ang tiyahin ko na nakabibilib. Mukhang hindi niya ginagamit ang kapangyarihan niya. Maya-maya ay nahinto si Solana at ang kaniyang kalaban. Kinutuban ako nang makita ko ang pagkilos ng asawa ng prinsesa. Umalis ang isang lalaking malapit sa kaniya at mabilis na nagtungo sa likod na hanay habang nakataas ang isang kamay. May pagkilos mula sa gawing likuran at s