Edelweiss’s Point of View Tig-isa kami ni Solana ng hawak na may sinding sulo habang tinatahak ang binutas na pader mula sa pinagpiitan kina Riego. Sa isang lagusan kami dinala ng butas na iyon at ayon kay Solana ay lumang imbakan daw iyon na matagal nang panahon hindi ginagamit dahil sa dami ng mga dagang nakapapasok at sinisira ang mga inilalagay nila roon. Mapadamit man o pagkain kaya ipinasara na lamang. Marami pa ring daga kaming nakita na ang lalaki at lulusog na pagala-gala. Nagtatakbuhan sila kapag nakakikita ng liwanag kaya naman hindi kami nalapitan ng kahit isa. Mga agresibo pa man din daw ang mga iyon kaya pinag-ingat niya ako at huwag daw magpapakagat dahil nakalalason. May nakita pa akong mga sako na nagkalat. Sa isang silid na walang pinto ay may nasilip akong gabundok