Bumalik na lamang kami sa palasyo upang sabihin sa hari na hindi na namin sila nahabol pa. Isinama ng hari si Solana, may pag-uusapan lamang daw sila. Hinanap ko na lang sila Adrian. Bumalik ako sa bilangguan upang tingnan kung naroon pa sila. Nadatnan ko pa naman. Pinagtutulungan nilang gamutin ang dalawang kawal. Maging ang mga bride ni Adrian ay tumutulong na rin dahil tumitirik na ang mata ng isa na ginagamot ni Sadie. Nagulat ako at kahit may takot sa dugo ay lumapit sa kanila upang alamin kung may maitutulong ba ako. "Anong nangyayari?" tanong ko sa kanila. Mukhang walang nakarinig sa akin. Nasa kawal lang ang atensyon nila. Wala na roon si Heneral Levi. Kumpleto ang limang chicks ni Adrian. "Hawakan mo 'to," wika ng isa sa mga chicks ng pinsan ko kay Sadie. Tinignan ko ang