Third-Person's Point of View Nang pabalik na ang magtiyahin sa palasyo ay tanaw na tanaw nila ang hindi mabilang na mga tao na nasa labas ng palasyo nagkakagulo. Hinaharang sila ng mga kawal upang hindi makapasok dahil nagpupumilit ang mga ito. Gusto nilang malaman kung ano ang nangyayari. Ang alam lamang nila ay nakikipagsagupaan ang kanilang guardian na si Solana kasama ng kaniyang pamangkin umano na hindi naman nila kilala kung sino ang tinutukoy sa usap-usapan. Ayaw naman silang bigyan ng matinong sagot ng mga kawal na nasa kabilang bahagi ng tarangkahan. Iyon din kasi ang bilin ng hari sa kanila. Para maiwasan na magkagulo, ngunit nang mga oras na iyon ay nagkakagulo na ang mga taong talaga. Pilit na silang pinapauwi, ngunit ayaw naman nila. Pinili ni Solana ang paglipad upang mapa