Chapter 33 Nagising ako sa hindi familiar na kwarto. Agad na pumasok sa isip ko sina Art at ang nangyari na aksidente. Napabangon ako at hinawakan ang tiyan ko. Ang baby ko— sina Art. Napahagulhol ako dahil sa nangyari— kasalanan ko lahat ng iyon. Napatingin ako sa pinto after bumukas iyon. Pumasok si Mr Alegre— agad na uminit ang pisngi ko 'nong agad na dumapo ang mga palad ni Mr Alegre sa pisngu ko. "Sino ang ama ng batang dinadala mo!" sigaw ni Mr Alegre. Napatigil ako at agad ba napahawak sa braso niya. "Ang baby ko! Buhay pa ba siya? Buhay pa ba ang anak ko!" sigaw ko ngunit agad na tinabig iyon ni Mr Alegre. "Ipapalaglag mo ang bata na iyan at hindi maaari malaman ni Mr Truson," ani ni Mr Alegre. Napatigil ako after marinig iyon. "No! No! Hindi ako papaya! Anak ko ito!"