Chapter 34 Lumipas ang mga araw at buwan ngunit walang naging pagbabago sa sitwasyon ni Hilda. Hindi nila mapigilan ang pinuno nila na patayin lahat ng doctor na sumusuri kay Hilda at pare-pareho ng sinasabi. Nag-aalala nakatingin si Gabriel sa mga tauhan na palabas ng silid at may mga buhat na katawan ng mga doctor. Pumasok si Gabriel sa loob ng kwarto at nakita niya ang pinuno nila na nakatayo sa gitna ng silid. May hawak ito na katana at nababalutan ng dugo ang kasuotan nito. Sa kama nanatiling tulog si Hilda. Balewala lang naman na pinupunasan ni Khan ng basang towel ang mga kamay ni Hilda. Pagkatapos mag-fail ang mission hindi na ulit tumanggap ng mission ang apat at nanatili doon para bantayan si Hilda. "Padrino," tawag ni Gabriel. Kasalukuyang madilim ang mukha ni Arthu