Matulin lumipas ang ilang linggo. Unti-unting gumaling ang mga sugat, maging ang tama ng baril na natamo ni Alejandro. Ang ilan pa sa mga sugat ng kanyang asawa, lalo na yaong mga nasa likod ay sadyang nag-iwan ng pilat sa balat nito. Naghilom man ang mga iyon ay nakabakas na sa katawan nito ang mga ginawa ni Mr. Dee. Kasabay ng pagpapagaling ni Alejandro ay ang tuluyang pagiging maayos ng kanilang relasyon. Matapos niya ngang aminin dito ang kanyang nadarama ay mas naging matiwasay ang pagsasama nilang dalawa. Kahit papaano ay nagpapasalamat siya na hindi na naulit pa ang mga nangyari. Ang engkwentrong naganap laban sa grupo nina Mr. Dee ang huling kinasangakutan ng kanyang asawa. And hopefully, that would really be the last. Dama niya ang pagpipilit ni Alejandro na maiiwas sila sa ano