Masuyong pinagmasdan ni Brianna ang kanyang anak na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Hindi niya pa mapigilang haplusin ang buhok nito habang inaalala ang mga nangyari kanina... or rather, kagabi. It was past four in the morning. Hindi pa rin siya makatulog at kahit sabihing ligtas na si Xander ay nasa dibdib niya pa rin ang hindi maipaliwanag na pag-aalala para dito. Isipin pa lang na nadamay na ito sa ganoong kapahamakan sa murang edad pa lamang ay labis nang nakakabahala sa kanya. Matapos nga ng mga nangyari ay agad silang iniuwi sa bahay nina Alejandro. Si Lemuel ang agad na nagpatawag sa family doctor ng mga Lebedev. Agad tiningnan si Alejandro at ginamot ang tamang natamo nito, maging ang mga sugat at pasa nito sa katawan. Sa ngayon ay nagpapahinga na ang kanyang asawa sa kabilan