A series of foul oath came out from Alejandro's mouth. Nangangalaiti siyang sugurin si Mr. Dee at mismong itutok sa sentido nito ang hawak niyang baril bago paputukin. He wanted to kill him... wanting so much because of doing all of this to his son. Si Alexander ay maya't maya ang lingon sa kanya habang patuloy sa pag-iyak. Alam niyang nagigimbal din ito dahil sa hitsura niya na puno ng sugat at dugo sa mukha. "Ako ang may kasalanan sa iyo, hindi ba? Pakawalan mo ang anak ko at ako ang harapin mo!" hamon niya dito. Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Mr. Dee dahil sa mga sinabi niya. "Wala ka sa lugar upang utusan ako, Alejandro. Alam kong may mga tauhan ka pang nakaantabay. Kung paano nila nalaman ang pinagdalhan ko sa iyo ay hindi ko alam. Pero ito ang itanim mo sa isipan mo, kung