Kulang ang salitang gimbal para ilarawan ang nadarama ni Brianna nang mga oras na iyon. Dahil sa pagkabigla ay halos nahirapan pa siyang iproseso ang mga sinabi ni Mr. Dee. Narinig niya ito. Naintindihan niya naman ito. Ngunit sa hindi maipaliwanag na rason ay para bang hindi matanggap ng kanyang isipan ang mga sinabi nito dahilan para mistula siyang natigilan. Ang mga nangyayari ngayon ay waring isang napakasamang panaginip at wala na siyang ibang nais nang mga sandaling iyon kung hindi ang magising. Ang makita ang kanyang anak na walang tigil sa pag-iyak at walang kamuwang-muwang na may nakaambang panganib dito ay waring magpawala sa kanyang katinuan. Dagdag pa roon ang ginawa ng mga ito kay Alejandro na alam niyang kasalukuyang iniinda ang sakit na dinaranas. At hindi niya alam kung b