Marahas na napabalikwas ng upo si Brianna mula sa pagkakahiga sa kama nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Kasalukuyan siyang nasa loob ng isang silid sa bahay na pinagdalhan sa kanya ni Konstantin. Mula nga sa bahay ni Alejandro sa may Laguna ay ilang oras silang bumiyahe patungo roon. Hindi niya alam ang eksaktong address ngunit base sa narinig niyang utos ni Konstantin sa driver nito ay sa Bulacan naroon ang bahay na pinagdalhan nito sa kanya. Her eyes darted at the door's direction as it opened. Isang lalaki ang nagbukas niyon habang bitbit nito ang isang tray kung saan naroon ang mga pagkain. Hindi niya alam kung anong oras na nang mga sandaling iyon ngunit nahihinuha niyang malalim na ang gabi. Sa ibang pagkakataon ay nakadarama na ng gutom si Brianna ngunit dahil sa mga nang