"Fvck!" mariin na pagmumura ni Alejandro kasabay ng pagsilid niya ulit ng kanyang cell phone sa bulsa ng kanyang pantalon. Dali-dali siyang naglakad pababa ng hagdan upang magtungo sa mga tauhan nilang nasa baba lamang at pakalat-kalat sa kanilang solar. Matapos ng nangyaring engkwentro sa pagitan nila ng kanyang kapatid at Uncle Dmitri ay mas pinaigting niya ang pagbabantay sa kabuuan ng bahay ng kanyang ama. Maging ang mga bago niyang tauhan mula sa Laguna ay naroon din sa ngayon. Lumapit siya sa kung saan naroon si Lemuel kasama ang ibang mga tauhan. Kasalukuyang nasa may entrada lamang ang mga ito ng kanilang bahay at nag-uusap-usap. Nang makitang papalapit siya ay agad pang natahimik ang lahat at napatayo nang tuwid. "Sir Ale..." wika ni Lemuel nang tuluyan siyang makalapit. "Magp