Agad na binuksan ni Alejandro ang pinto sa may backseat ng kanyang kotse bago pa man mapatay ng driver niya ang makina niyon. Siniguro niya pa na nakasukbit na sa kanyang baywang ang baril na inihanda na niya kagabi bago lumabas ng naturang sasakyan. Iginala niya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng lugar. It was a wide space somewhere in Bulacan. Napakalawak niyon na sadyang napapalibutan ng mataas na bakod. Sa pinakabungad ay bakal na gate na sa taas ay hindi man lang makikita kung ano ang nasa loob ng solar. Ipinasok nila ang kanyang sasakyan sa loob ng malawak na bakuran. The gate was just open and it was Konstantin's instruction for them to get inside once they arrived. Si Konstantin din ang nagpasya na doon sila magtagpo matapos niyang sabihin dito na pumapayag siyang ipaubaya na dit