Marahang iminulat ni Brianna ang kanyang mga mata. Isang mataas at kulay puting kisame ang bumungad sa kanya na agad ay nagpakunot ng kanyang noo. Iginala niya pa ang kanyang paningin nang mapagtantong kasalukuyan siyang nasa isang hindi pamilyar na silid. Hanggang sa mayamaya pa ay biglang bumalik sa kanyang isipan ang mga nangyari. Dinala siya ni Konstantin sa isang gusali na kung sino ang nagmamay-ari ay wala siyang ideya. It looked like an abandoned building except that it contained big boxes, na kung ano man ang laman ay hindi na niya nalaman pa. Waring isang agos ng tubig na bigla ay bumalik sa isipan niya ang engkwentrong naganap. She felt so scared that her knees were trembling literally. Kung hindi niya lang nalaman na nagtungo roon si Alejandro ay tuluyan na siyang mawawalan ng