"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Alejandro?" agad na bwelta ni Brianna sa binata. "P-Pakakasalan kita? Nahihibang ka na ba?" "Kung ang ibig mong ipakahulugan sa salitang nahihibang ay ang kagustuhan ko na panagutan ang sarili kong anak, then maybe you were right, Brianna. Baka nga nahihibang na ako," wika ni Alejandro sa seryosong tinig. She lost for words to say. Ang pagbitaw ni Alejandro ng mga katagang sinabi nito ay punong-puno ng emosyon na halos magpatigil kay Brianna sa kanyang kinatatayuan. Pinagmasdan niya pa nang mataman ang mukha ng binata at pilit naghahanap ng senyales na hindi ito seryoso sa mga sinabi kanina. But knowing Alejandro, he was not the type of person who will just joke around. Seryoso ito, bakas iyon sa ekpresyon ng mukha nito. Marahan siyang natawa pagli