Inisang lagok ni Alejandro ang alak na nasa hawak niyang kopita. Ang daming tumatakbo sa kanyang isipan ngayon at pakiramdam niya ay kailangan niya ng alak para pampakalma sa kanyang sarili. Matapos niyang makausap si Brianna ay nagtuloy siya sa may patio ng kanilang bahay at nagpadala doon ng alak sa isa sa kanilang mga kasambahay. He needed time to think about everything. Pinakapangunahing gumugulo sa kanyang isipan ngayon ay ang kaalaman na hindi sang-ayon si Brianna sa alok niyang kasal. He heaved out a deep sigh. What he did a while ago was not a proposal actually. Tunog isang utos iyon. At alam niyang isa iyon sa mga kinaiinisan ng dalaga kanina. He was like ordering her to marry him, dahilan para hindi naging maganda ang takbo ng usapan nila kanina. Ang makasal silang dalawa ang