"What the hell did you mean by what you said, Alejandro?" wika sa kanya ni Lucio. Mabilis siya nitong inakay at kinausap nang sarilinan. Mula sa harap nina Brianna at Kendra ay humakbang sila patungo sa may hardin para doon kausapin ng matandang lalaki. Kita niya pa sa mga mata nito ang wari ay hindi nagustuhan ang kanyang mga sinabi. "You heard me, Uncle Lucio," tugon niya dito. "I am marrying Brianna three days from now." "Three days from now?!" gilalas na sabi nito. "Are you out of your mind? At ngayon mo lamang ako naisipang kausapin tungkol sa bagay na ito? Disi-otso anyos pa lamang ang anak ko, Alejandro. Hindi---" "Eighteen is a legal age, Uncle Lucio. Madaling gawan ng paraan para ikasal kaming dalawa," bwelta niya dito. "And please, don't act like an exemplary father. Kailan n