Ilang mahihinang warning knock ang ginawa ni Brianna sa pinto ng study room bago niya iyon binuksan nang marahan. Nasa silid lamang siya kanina nang katukin siya ng isa sa mga kasambahay nina Alejandro at ipaalam na pinapatawag siya ng kanyang asawa. Ayon pa sa kasambahay ay nasa study room ng bahay na iyon si Alejandro at nais siyang kausapin, kung tungkol saan ay hindi niya mahulaan. Hindi niya pa maiwasang makadama ng pagtataka kung bakit doon nila kailangan mag-usap. Bakit hindi na lang ito umakyat sa silid nito at doon siya harapin? Nang mabuksan niya ang pinto ay agad niyang nakita sa loob si Alejandro. Kasalukuyan itong nakatayo sa tabi ng malaking executive table. Sa mga kamay nito ay ilang mga dokumento na pinapasadahan nito ng basa. Nang humakbang siya papasok ay agad na natuo